Home Blog Page 697

Vlogger na si Emman Nimedez pumanaw na matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa sakit

Pumanaw na ang vlogger at streamer na si Emman Nimedez matapos ang ilan buwang pakikipaglaban nito sa Leukemia.

Sa isang post, mismong ang girlfriend ni Nimedez na si Peachy Santos ang nag post ng malungkot na balita tungkol sa kanyang nobyo.

MV5BZjIwMzc0MDQtZjg0OC00MjRmLTgwZTItOWViYjdlMTRmYjQwXkEyXkFqcGdeQXVyNTI5NjIyMw@@. V1

Pinasalamatan naman ni Santos ang mga taong sumuporta kay Nimedez hanggang sa huli.

“Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke’s Medical Center – Quezon City,” ani Santos.

“Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support,” dagdag pa nito.

Humiling naman ng privacy ang pamilya ni Nimedez sa mga tao.

Ilang araw lang ang nakakaraan ang dinala sa ICU si Nimedez dahil narin sa lumalalang kondisyon nito.


Humingi rin ng tulong ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Nimedez dahil narin sa patong patong na hospital bills na kanilang natanggap dahil sa pagpapagamot sa vlogger.

Kahapon ay naghanap din sila ng mga blood donors para kay Emman.

Noong Mayo ibinalita ni Nimedez ang kanyang kondisyon sa kanyang mga followers.

“Ito na ’yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko, sinasabi ko sa inyo, lahat ginagawa po para maging matibay, maging handa, [at], higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan, eh. Tsaka kasama ko lahat ng mga tao sa paligid ko na ganun din sila.” ani Nimedez.

“Hayaan niyo lang isama ko kayo dito sa laban na ’to para maipakita na rin sa inyo na lahat na ibabato sa ating hamon, lahat na ibabato sa ating pagsubok, kakayanin, basta direcho lang ’yong tingin natin sa buhay tsaka positibo tayo,” dagdag pa nito.

Ang mga kaibigan naman ni Nimedez na sila Cong Velasquez at iba pang sikat na vlogger ay nagtulong tulong upang pondohan ang pagpapagamot ng kanilang matalik na kaibigan.

Manny Pacquiao inireklamo ng mga kapitbahay niya noon dahil sa pagtanggap niya ng mga bisita na simple lang ang pananamit

Si Senador Manny Pacquiao ang isa sa mga pinakamatagumpay na atleta sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang kanyang matagumpay na boxing career din ang nag ahon sa kanya sa kahirapan kaya naman kahit sa mga mamahaling subdivision ay nakakabili ng properties ang tinaguriang ‘Pacman’.

Kamakailan lang ay pinag usapan ang diumano’y ibinebenta na ni Pacquiao ang kanyang tatlong palapag na mansyon sa Forbes na nabili niya noong 2011 sa halagang P400-M.

Ayon sa website na Presello, nagkakahalaga na ngayon ng P1.5-B ang nasabing mansyon.

“This wonderful Zen Inspired mansion was designed with exceptional tastes, the feel and vibe of this mega-mansion have a very tropical modern feel with a touch of elegant resort-like vibe. Come see this wonderful mega-mansion for yourself!” saad ng nasabing website.

house 2
Litrato mula sa Presello

Hindi naman sinabi ng nasabing website na si Pacquiao ang may ari ng nasabing mansyon.

Ngunit sa mga Instagram post noon ni Jinkee Pacquiao ay makikitang magkaparehas ang mansyon nila sa ibinebenta ng Presello.

 

View this post on Instagram

 

🍃🍀 Good Morning. Smile and be happy. Today will be AMAZING! 🍃☘️💚 #wednesdayfeels #home #bepositive #givelovealways

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Dahil sa balitang ito ay naungkat nanaman ang istorya tungkol sa tila diskriminasyon na naranasan ni Pacquiao mula sa kanyang mga kapitbahay.

pacquiao 6 scaled
Mula sa Instagram page ni @jinkeepacquiao

Noon 2014 ay sinabi niya na balak niyang ibenta ang nasabing mansyon dahil narin sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay na tinatawag na “old rich” o ‘yung mga tao na nabibilang sa mga prominenteng pamilya na matagal ng mayayayaman.

Ibang iba naman si Pacquiao sa kanyang mga kapitbahay dahil ipinanganak siya na mahirap.

Ayon kay Pacquiao, nag umpisa ang reklamo ng kanyang mga kapitbahay noong nakita nila ang boxing champion na tumatanggap ng mga bisita na may simple lamang na pananamit.

pacman 1

Humingi naman siya ng tawad sa kanyang mga kapitbahayat sinabing hindi na mag iiba ang kanyang nakaugaliang pamumuhay.

“I may be as rich as some of them here, but my lifestyle remains the same and so is my heart. I am just a simple man. I will never change that,” ani Pacquiao.

Ayon sa kanya, mas gusto niya nalang na humanap ng ibang matutuluyan kung saan ay walang mag rereklamo dahil sa kanyang mga bisita.

Kasalukuyang nakatira si Pacquiao ngayon sa Dasmarinas Village na isa rin sa mga tinaguriang “posh subdivision” sa Metro Manila.

Noong nakaraang buwan lang ay tinawag na “Nouveau” ng aktres na si Agot Isidro si Jinkee Pacquiao.

Maraming fans ni Pacquiao ang binatikos si Isidro dahil tila nilalait ng aktres ang katayuan ng pamilya ng Senador.

 

Unibersidad ng Maynila, ipapangalan sa namayapang Manila Mayor Alfredo S. Lim

Isinusulong ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pag-iiba ng pangalan ng Unibersidad ng Maynila (UDM) upang bigyang pugay ang namayapang dating alkalde na si Alfredo S. Lim.

Nakapasa na sa unang pagbasa ang panukala na isunod sa pangalan ni Lim ang nasabing unibersidad na itinayo sa ilalim ng kanyang administrasyon noong 1995, upang magbigay ng libreng edukasyon sa mga Manilenyo.

Ayon kay Moreno, nararapat lamang na kilalanin si Lim na binansagan ding “Ama ng Libreng Edukasyon” sa kanyang ginawa 25 taon na ang nakakaraan.

Suportado din ito ng mismong Presidente ng UDM na si Maria Lourdes Tiquia.

Binawian ng buhay si Lim ilang araw na ang nakakaraan.

Pinuri naman ng mga netizen ang ideya ni Moreno.

Matatandaan na naglaban si Moreno at Lim sa eleksyon noong 2019, ngunit nanatili ang kanilang magandang samahan.

Mismong si Lim pa nga ang nagsabi na gusto niyang maging Pangulo ng Pilipinas si Moreno, ngunit hindi niya alam kung buhay pa siya kapag dumating ang panahon na ‘yon.

“Tiyak na tiyak, magiging Pangulo (siya), dahil sa ngayon wala naman tayong nakikita na maaring maging Pangulo ng bansa, sa ngayon… ewan ko yung iba, baka hindi pa pinapanganak, sigurado na si President Isko ang magiging Pangulo natin,” ani Lim.

“Pero ang masakit non, baka nasa sementeryo na ako non, hindi na ko pwedeng pumalakpak, pero alam niya na pinagdarasal ko ang kanyang tagumpay,” dagdag pa niya.

Sinabi ito ni Lim noong binuksan ni Moreno ang pinakamalaking dialysis center sa Pilipinas, na ipinangalan kay Flora Valisno Siojo, ang  lola ng dating alkalde.

Ethel Booba, kinumpirma na isa siyang supporter ni Pangulong Duterte: “I’m proud of it!”

Kinumpirma ni Ethel Booba na isa siyang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at inamin din nito na ang nasabing politiko ang ibinoto niya noong 2016.

Sinabi ito ni Ethel sa panayam sa kanya ng Kapamilya journalist Miguel Dumaual.

“Yes, I did vote for President Duterte and I’m proud of it. Happy?” ani Ethel.

Ngunit tila hindi nagustuhan ni Dumaual ang sagot ni Booba at sinabi nito na maaring ang pagiging “DDS” ng komedyante at vlogger and dahilan kung bakit tila ang mga opinyon nito ay pabor sa gobyerno.

“You voted for him? Ok. Marami kayong nagoyo noon. You’re proud of it? That certainly explains your behavior,” sagot ni Dumaual.

 

Inulan naman ng kritisismo si Ethel sa kanyang Twitter account ngunit hindi nagpainda ang vlogger at sinabing libre ang mga ayaw sa kanya na i-unfollow ang kanyang social media page.

“Oo mga teh 7 k palang yan umiiyak na kayo yung mga basher at hater mag unfollow na para alam ko wala nang nabubulok na naka follow sakin sana 2022 na para bumaha na namn ang luha ng mga luhaan. Spread nyo lang hate yan din naman ang balik sa inyo eh. Happy?” saad ni Ethel.

“Tsaka anong delete ang tweet. Dyan lang yan para sa mga. Malakas mang bash at makita ang kamalian ng iba pero sarili nila di nakikita salasalamin din mga bakla. My tweet is purely intended only to basher or troll na walang magawa sa buhay kaya kung tinamaan ka. Ikaw yun,” dagdag pa nito.

Tila inasar pa ni Ethel ang mga kritiko niya matapos siyang mag share ng larawan ng mga kongresista na gumisa sa ABS-CBN.

Matatandaan na inakala ng buong social media world na si Ethel ay kritiko ng gobyerno dahil narin sa mga tweets ng isang Twitter account na kalaunan ay tinawag niyang ‘fake’.

Naging laman pa ng mga pahayagan ang mga banat ng nasabing pekeng Twitter account ni Ethel.

Fernando Carillo ng Rosalinda, nagsalita na matapos ibunyag ni Korina Sanchez na nilagawan niya diumano ito

Fernando Carillo, nagsalita na ilang araw matapos i-kwento ng Kapamilya journalist na si Korina Sanchez ang kanyang relasyon noon sa kilalang telenovela actor noong early 2000’s.

Si Carillo ang gumanap bilang Fernando José, ang leading man ni Thalia sa Rosalinda na ipinalabas noong 1999 at naging sikat din ang nasabing telenovela sa Pilipinas.

Sa isang Instagram comment, ipinaalam ni Carillo ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at ang kanyang paghanga kay Sanchez.

“MY BELOVED PHILIPPINES. 4ever in my heart. MABUHAY. Thank you for so much love over the years. @korina is undoubtedly a TRUE lady and a real Filipino female example of what an empowered, independent and intelligent women, looks like. Salamat Philippines for so much love. Gracia,” ani Carillo.

carillo 1

Ayon kay Sanchez sa isang interview, nag date diumano sila ni Carillo ngunit naudlot ito ng mag desisyon na tumakas ang mamamahayag sa aktor.

“We dated pero walang nangyari. Not even a kiss. Nothing. Natakot ako. Fernando is such a darling but you have to be ready for him. Super gwapo, super sweet, pero I really ran away from him. And he remembers that,” kwento ni Sanchez.

fernando carillo 1
Screencap mula sa Instagram account ni @ferrcarillo

“Natakot ako. We had a date. And at the end of that date, nagkakaripas ako ng takbo papasok ng kotse ko to leave. Na-tense ako eh,” dagdag pa nito sa isang interview.

Unang nagkita si Sanchez at Carillo noong kasagsagan ng kasikatan ng Rosalinda sa Pilipinas noong taong 2000.

Noong 2012, nagkita muli ang dalawa at pinaalala diumano ni Carillo ang naudlot nilang relasyon, mahigit isang dekada na ang nakakaraan.

Kasal na noon si Sanchez sa dating Interior secretary at Senador na si Mar Roxas.

“He went back to the Philippines and he went to DZMM and said ‘Do you remember that night when you ran away from me? And now you’re married, so what now?’” kwento ni Sanchez.

Hindi naman nagbigay ng kumento ang asawa nitong si Mar Roxas sa nabuhay na issue sa pagitan ni Sanchez at Carillo.

Samantala, pinag uusapan ngayon ang posibilidad na paglipat ni Sanchez sa TV5.

Ang tanging masasabi lamang ng mamamahayag sa kanyang mga fans, “abangan” nalang daw ang mga susunod na kabanata.