Paolo Contis, ayaw munang makipag-usap kahit kanino sa gitna ng pagkawala niya ng trabaho bilang host sa Tahanang Pinakamasaya

dailybncnews

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang television host na si Paolo Contis sa gitna ng pagkawala ng kanyang hosting gig sa Tahanang Pinakamasaya.

Matatandaan na nitong Marso 7, 2024, ay inanunsyo ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.) na siyang namamahala sa nasabing noontime show sa GMA Network na hindi na sila magpapatuloy sa paggawa ng mga bagong episodes ng programa dahil sa umano’y ‘unwanted circumstances.’

“Despite our best efforts to save the show, both parties have reached a mutual agreement to finally call off the show,” they said.

“To the loyal viewers, esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees who have been with us from the very beginning – from the longest-running noontime show “Eat Bulaga” to the present “Tahanang Pinakamasaya” – our sincerest “Thank you!” and optimistic “see you again!” they added.

Sinubukan naman hingin ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang opinyon ni Paolo tungkol sa nangyari, ngunit tumanggi ang aktor na magsalita.

Ayon kay Paolo ay mas gusto niya munang mapag-isa.

“I asked Paolo Contis since malapit naman tayo sa batang ‘yan, hiningi niya na huwag ko muna siyang kausapin,” said Ogie.

“Gusto raw muna niyang mapag-isa.. ‘mare, pass muna ko’ papahinga lang ako…’ sino ba naman tayo para kulitin ‘yong bata, ‘di ba?” he added.

Ilang netizens naman ang tila tinawag na ‘karma’ ang nangyari kay Paolo dahil sa matatandaan na naging palaban ito sa kanyang mga pahayag laban sa mga dating host ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na hanggang ngayon ay mayroon paring show sa TV5.