Home Blog Page 65

Ilang artista nawalan na ng gana sa pagtulong kay John Regala dahil sa kakaibang ugali nito

Ilang artista ang inanunsyo na ititigil na nila ang pagbibigay ng suporta sa pagpapagamot kay John Regala dahil diumano sa ugali nito.

Sa isang joint statement, sinabi nila Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at Aster Amoyo na ititigil na nila ang pagpapadala ng tulong pinansyal kay Regala.

Inilarawan nilang tatlo na si Regala ay isang “very uncooperative and difficult individual”.

Sinabi rin nila na may ugali si Regala na mas pinipili nito na mag “self-medication” imbis na sumunod sa payo ng mga eksperto.

“It is with deep sadness that our group has come to the decision to formally end our involvement in helping john with his medical treatment, care, and recovery,” saad ng nasabing mga artista sa kanilang statement.

“As much as it is our desire to see this through, these unfortunate circumstances and regretful turn of events have made it impossible for us to continue,” dagdag pa nila.

Dahil sa kanilang desisyon, ititigil na nila Dreyfus, Montenegro at Amoyo ang kanilang crowdfunding page para kay Regala, ngunit sisiguraduhin nila na ang natirang mga donasyon ay mapupunta parin kay Regala.

Ayon sa kanila, malayo pa ang tatahakin ni Regala upang gumaling ng tuluyan kaya’t umaasa sila na makikinig din balang araw ang nasabing aktor sa payo ng mga doktor.

“May he also spend the remainder of his funds wisely,” saad nila.

Nakuha ni Regala ang atensyon ng mga Pilipino, ilang linggo na ang nakakaraan dahil sa kanyang lumalalang kondisyon.

Matatandaan na sila Montenegro, Dreyfus at Amoyo ang mga unang artista na bumisita at tumulong kay Regala na kilalang artista noong 90s.

Dinala si Regala sa National Kidney and Transplant at nagpagaling doon ng ilang araw.

Ngayon ay nasa bahay na si Regala at nagpapagaling.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

Inulan man ng simpatya si Regala, ay may isang artista na naging prangka sa issue ng aktor.

Ang award-winning na aktres na si Elizabeth Oropesa ay isa sa mga nagbigay ng hindi popular na opinyon tungkol kay Regala at sinabi na mas marami sanang tao ang mas “deserve” na matulungan.

“It is unfortunate that we chose to help people who were given many opportunities to have a good life,nagkapera,sikat pero winaldas sa bisyo,” ani Oropesa.

Facebook Comments

Boy Abunda sinagot kung naniniwala ba siya na involve si Pangulong Duterte sa pagpapasara ng ABS-CBN

Nagsalita na si Boy Abunda kung naniniwala ba siya na gumawa ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ng tuluyan ang ABS-CBN.

Sa unang episode ng online show ni Abunda na “Talk About Talk”, nagbigay ng patas opinyon si Abunda tungkol kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na ilang beses binatikos ng Pangulo ang ABS-CBN at sinabi pa nito na dapat ay ibenta nalang ng mga Lopez ang nasabing broadcasting company dahil wala na silang pag asang makakuha ng prangkisa.

Hanggang ngayon ay may mga artista at fans ng ABS-CBN ang isinisisi kay Pangulong Duterte ang nangyari sa Kapamilya Network.

“It’s very difficult to speculate. I think so… I mean, even if the President didn’t ask for the vote, some people were there to please the President,” ani Abunda.

Pero ayon sa King of Talk ay tinanggap ni Pangulong Duterte ang paghingi ng tawad ni ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Ayon sa kanya, naniniwala siyang lumambot na ang puso ng Pangulo sa ABS-CBN.

“Pero maaalala natin, let’s be fair no, after the President is very vocal about his feelings towards ABS-CBN, President of ABS-CBN Carlo Katigbak apologized. Lumambot ang Presidente. Sabi niya, okay na yun, tapos napag usapan na ‘yung bayad na tinanggap at hindi na naibalik,” saad ni Abunda.

“Parang ako, as a citizen of this country and as someone who work for the network, ang tingin ko, ‘Ay, parang lumambot na ang Presidente sa ABS-CBN.’ And I saw that, I believe that,” dagdag pa niya.

Isa si Abunda sa mga pinaka nalungkot sa nangyari sa nasabing istasyon.

Noong Pebrero ay tinaggap ni Pangulong Duterte ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN, pero sinabi nito ang desisyon ng prangkisa ng nasabing kumpanya ay nasa kamay parin ng Kongreso.

Sinabi rin ng Malacanang na “neutral” si Pangulong Duterte sa ABS-CBN franchise issue.

Sa kanyang ikalimang SONA naman ay binanatan muli ni Pangulong Duterte ang mga may ari ng ABS-CBN at inakusahan ito na ginamit ang network para kontrolin ang politika sa Pilipinas.

 

 

Facebook Comments

Kapatid ni Pangulong Duterte klinaro na wala siyang kinakampihan: “Kahit kapatid ko pa siya, kung mali ay mali”

Nilinaw ng kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Jocellyn Duterte-Villarica na wala siyang kinakampihan pagdating sa mga issue.

Sa isang social media post, tumugon si Duterte-Villarica sa isang netizen na kinukwestiyon kung bakit tila kampi parin si Pangulong Digong kay Health Secretary Francisco Duque III kahit na patong patong na ang kritisismo na natatanggap ng kalihim.

Ayon sa presidential sister, dapat ay h’wag siyang masyadong idikit kay Pangulong Duterte dahil magkaiba sila.

Sinabi pa nito na hindi siya kakampi sa kanyang kapatid kung may gawin man itong kamalian habang nasa posisyon.

“I will take your point regarding the the issue of Duque and the president…but huwag ninyo ipersonal ang pagiging kapatid ko, dahil hindi ako cya, at sa buhay ko i live my life according to the truth,” ani Duterte-Villarica.

“Kahit kapatid ko pa cya, kung mali ay mali… You can ask anybody in Davao… I have always been independent financially and have never work for him… I have no political color, but supported his bid for the Presidency, as a sign of respect, but I will stand by my principle of what is right and wrong… “truth will set me free,” dagdag pa nito.

Saad pa Villarica-Duterte, kahit siya mismo ay pinapaalam nalang ang kanyang mga hinaing sa Pangulo gamit ang social media katulad ng pangkariniwang tao.

“Ayokong magdrama, ang laking bahagi ang politika sa buhay ko, at hindi masaya… sana bago maghusga alamin muna, kung tama ba ang pagkakilala mo sa tao… Address mo sa Presidente ang hinaing mo, kung ako ginagawa ko at pina paabot ko rin sa kanya tru FB, tulad ng isang mamayan na mai pagmamahal ng bayan,”

Matatandaan na ilang beses pinagtanggol ni Pangulong Duterte si Duque.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ginagawa ni Duque ang kanyang trabaho at walang sinuman ang makakalutas ng problemang kinakaharap ng mundo ngayon.

“Nobody dito sa mundong ito was really or were prepared for it,” ani Duterte.

 

Facebook Comments

“Gwapings” member Eric Fructuoso denies report that he’s working now as tricycle driver: “Hindi po totoong namamasada ako”

Itinanggi ni Eric Fructuoso ang balita ng ilang malalaking pahayagan na siya ay napilitan nang mamasada ng tricycle dahil sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Pinag usapan ang litrato ni Fructuoso sa social media limang araw na ang nakakaraan dahil akala ng mga tao ay literal na tricycle driver na nga ang dating artista.

“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!” saad ni Fructuoso.

Sa isang Facebook post, nilinaw ni Fructuoso na hindi siya tricycle driver sa Naic, Cavite at nagbiro pa itong sa isang siyudad sa Batangas niya pipiliin mamasada kung kinakailangan dahil mataas ang singilan doon.

“Hindi po totoong namamasada ako ng trike sa Naic, Cavite… Dine ako sa Lipa, Batangas namamasada mas malaki ang kita! Akalain mong p200 ispesyal hanggang Rowbeensons?” ani Fructuoso.

Kahit na hindi naman pala siya namamasada ay ipinakita niya ang kanyang suporta sa mga tricycle driver at sinabing h’wag dapat minamaliit ng tao ang mga namamasada.

Ayon sa kanya, malaki rin ang kinikita ng mga tricycle driver kaya’t nakakabili ito ng mga mamahaling gamit.

“Huwag niyo po ismall-in ang mga tricycle drivers. May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag garage sale ako dati e yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumili ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko,” kwento niya.

“Kaya nga “barya lang sa umaga” dahil buo buo pera nila,” dagdag pa nito.

Hindi naman malaman ni Fructuoso kung saan nanggaling ang balita na siya’y namamasada na at madami daw tao ang napaniwala ng nasabing istorya.

Kinagabihan ay nilinaw niya ang istorya sa likod ng litrato niya habang nakasakay sa tricycle at sinabing pinapakita niya lang na dapat hindi mahiya ang tao na gawin ang kahit anong trabaho para makapamuhay ng maayos.

Dapat rin daw h’wag maliitin ng mga tao ang mga janitor o tricycle driver na nagta-trabaho ng marangal.

“Sa panahon kasi ngayon, hindi ka pwedeng maarte. Hindi pwedeng kaartehan ang pairalin. Basta pagkakakitaan legal, para sa pamilya, tirahin lang nang tirahin. Because I believe by example. Ibig sabihin, magiging good example tayo sa kapwa. Hindi natin ikahihiya pa kung ano ang ginagawa natin.”

“Kasi may iba, nahihiya ang magbenta-benta, nahihiya sa pagde-deliver ng kung ano-ano. Huwag kayong mahihiya. At least, kikita, di ba? Tsaka kailangan hangga’t hindi sila ang nagpapakain sa inyo, huwag niyo silang intindihin.”

 

 

Facebook Comments

Sen. Angel Locsin? Boy Abunda suportado ang pagpasok ni Angel Locsin sa politika

Suportado ng ABS-CBN TV host na si Boy Abunda si Angel Locsin kung sakali man na mag desisyon man ang aktres na pumasok sa politika.

Sa unang episode ng online talk show ni Boy Abunda “Talk About Talk”, pinag usapan nila ang pagiging aktibo ni Locsin sa pagtatanggol sa ABS-CBN.

Halos makipag away na nga sa kapwa artista si Locsin dahil sa kanyang mga post sa Instagram laban sa mga kasamahan niya sa industriya na tahimik sa nangyayari sa Kapamilya network.

“I love the girl (Locsin), I admire her… if Angel Locsin were to run for public office, even if she were to run for the senate, I would campaign and vote for her,” said Abunda.

“Ganoon kalalim ang paniniwala at respeto ko kay Angel Locsin, dahil I don’t think Angel has to be viewed simply on that rant, on that stage one night during the noise barrage,” he added.

Ikinuwento rin ni Abunda na noon pa man ay likas na ang pagiging matulungin ni Locsin at siya mismo ay nasaksihan ‘yon sampung taon na ang nakakaraan.

“Ang puso ng taong ‘yan ang nasa tamang lugar,” saad ni Abunda.

Hindi pa nagbibigay ng kumento si Locsin sa suportang natanggap niya kay Abunda.

Noong Mayo, sinabi ni Locsin na wala siyang balak pumasok sa politika at sinabi na isa siyang “public servant”.

“Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun.” Locsin said.

Kahit na hindi siya pumasok sa politika, matatandaan na laging aktibo si Angel Locsin sa pag endorso noon sa kanyang tiyuhin na si dating Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares na dalawang beses sinubukang pumasok sa Senado ngunit bigo ito.

Maari kayang magbago ang isip ni Locsin lalo na’t tuluyan ng isinara ng Kongreso ang ABS-CBN?

 

Facebook Comments

Vlogger na si Emman Nimedez pumanaw na matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa sakit

Pumanaw na ang vlogger at streamer na si Emman Nimedez matapos ang ilan buwang pakikipaglaban nito sa Leukemia.

Sa isang post, mismong ang girlfriend ni Nimedez na si Peachy Santos ang nag post ng malungkot na balita tungkol sa kanyang nobyo.

Pinasalamatan naman ni Santos ang mga taong sumuporta kay Nimedez hanggang sa huli.

“Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke’s Medical Center – Quezon City,” ani Santos.

“Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support,” dagdag pa nito.

Humiling naman ng privacy ang pamilya ni Nimedez sa mga tao.

Ilang araw lang ang nakakaraan ang dinala sa ICU si Nimedez dahil narin sa lumalalang kondisyon nito.


Humingi rin ng tulong ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Nimedez dahil narin sa patong patong na hospital bills na kanilang natanggap dahil sa pagpapagamot sa vlogger.

Kahapon ay naghanap din sila ng mga blood donors para kay Emman.

Noong Mayo ibinalita ni Nimedez ang kanyang kondisyon sa kanyang mga followers.

“Ito na ’yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko, sinasabi ko sa inyo, lahat ginagawa po para maging matibay, maging handa, [at], higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan, eh. Tsaka kasama ko lahat ng mga tao sa paligid ko na ganun din sila.” ani Nimedez.

“Hayaan niyo lang isama ko kayo dito sa laban na ’to para maipakita na rin sa inyo na lahat na ibabato sa ating hamon, lahat na ibabato sa ating pagsubok, kakayanin, basta direcho lang ’yong tingin natin sa buhay tsaka positibo tayo,” dagdag pa nito.

Ang mga kaibigan naman ni Nimedez na sila Cong Velasquez at iba pang sikat na vlogger ay nagtulong tulong upang pondohan ang pagpapagamot ng kanilang matalik na kaibigan.

Facebook Comments

Manny Pacquiao inireklamo ng mga kapitbahay niya noon dahil sa pagtanggap niya ng mga bisita na simple lang ang pananamit

Si Senador Manny Pacquiao ang isa sa mga pinakamatagumpay na atleta sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang kanyang matagumpay na boxing career din ang nag ahon sa kanya sa kahirapan kaya naman kahit sa mga mamahaling subdivision ay nakakabili ng properties ang tinaguriang ‘Pacman’.

Kamakailan lang ay pinag usapan ang diumano’y ibinebenta na ni Pacquiao ang kanyang tatlong palapag na mansyon sa Forbes na nabili niya noong 2011 sa halagang P400-M.

Ayon sa website na Presello, nagkakahalaga na ngayon ng P1.5-B ang nasabing mansyon.

“This wonderful Zen Inspired mansion was designed with exceptional tastes, the feel and vibe of this mega-mansion have a very tropical modern feel with a touch of elegant resort-like vibe. Come see this wonderful mega-mansion for yourself!” saad ng nasabing website.

Litrato mula sa Presello

Hindi naman sinabi ng nasabing website na si Pacquiao ang may ari ng nasabing mansyon.

Ngunit sa mga Instagram post noon ni Jinkee Pacquiao ay makikitang magkaparehas ang mansyon nila sa ibinebenta ng Presello.

 

View this post on Instagram

 

🍃🍀 Good Morning. Smile and be happy. Today will be AMAZING! 🍃☘️💚 #wednesdayfeels #home #bepositive #givelovealways

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Dahil sa balitang ito ay naungkat nanaman ang istorya tungkol sa tila diskriminasyon na naranasan ni Pacquiao mula sa kanyang mga kapitbahay.

Mula sa Instagram page ni @jinkeepacquiao

Noon 2014 ay sinabi niya na balak niyang ibenta ang nasabing mansyon dahil narin sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay na tinatawag na “old rich” o ‘yung mga tao na nabibilang sa mga prominenteng pamilya na matagal ng mayayayaman.

Ibang iba naman si Pacquiao sa kanyang mga kapitbahay dahil ipinanganak siya na mahirap.

Ayon kay Pacquiao, nag umpisa ang reklamo ng kanyang mga kapitbahay noong nakita nila ang boxing champion na tumatanggap ng mga bisita na may simple lamang na pananamit.

Humingi naman siya ng tawad sa kanyang mga kapitbahayat sinabing hindi na mag iiba ang kanyang nakaugaliang pamumuhay.

“I may be as rich as some of them here, but my lifestyle remains the same and so is my heart. I am just a simple man. I will never change that,” ani Pacquiao.

Ayon sa kanya, mas gusto niya nalang na humanap ng ibang matutuluyan kung saan ay walang mag rereklamo dahil sa kanyang mga bisita.

Kasalukuyang nakatira si Pacquiao ngayon sa Dasmarinas Village na isa rin sa mga tinaguriang “posh subdivision” sa Metro Manila.

Noong nakaraang buwan lang ay tinawag na “Nouveau” ng aktres na si Agot Isidro si Jinkee Pacquiao.

Maraming fans ni Pacquiao ang binatikos si Isidro dahil tila nilalait ng aktres ang katayuan ng pamilya ng Senador.

 

Facebook Comments

Unibersidad ng Maynila, ipapangalan sa namayapang Manila Mayor Alfredo S. Lim

Isinusulong ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pag-iiba ng pangalan ng Unibersidad ng Maynila (UDM) upang bigyang pugay ang namayapang dating alkalde na si Alfredo S. Lim.

Nakapasa na sa unang pagbasa ang panukala na isunod sa pangalan ni Lim ang nasabing unibersidad na itinayo sa ilalim ng kanyang administrasyon noong 1995, upang magbigay ng libreng edukasyon sa mga Manilenyo.

Ayon kay Moreno, nararapat lamang na kilalanin si Lim na binansagan ding “Ama ng Libreng Edukasyon” sa kanyang ginawa 25 taon na ang nakakaraan.

Suportado din ito ng mismong Presidente ng UDM na si Maria Lourdes Tiquia.

Binawian ng buhay si Lim ilang araw na ang nakakaraan.

Pinuri naman ng mga netizen ang ideya ni Moreno.

Matatandaan na naglaban si Moreno at Lim sa eleksyon noong 2019, ngunit nanatili ang kanilang magandang samahan.

Mismong si Lim pa nga ang nagsabi na gusto niyang maging Pangulo ng Pilipinas si Moreno, ngunit hindi niya alam kung buhay pa siya kapag dumating ang panahon na ‘yon.

“Tiyak na tiyak, magiging Pangulo (siya), dahil sa ngayon wala naman tayong nakikita na maaring maging Pangulo ng bansa, sa ngayon… ewan ko yung iba, baka hindi pa pinapanganak, sigurado na si President Isko ang magiging Pangulo natin,” ani Lim.

“Pero ang masakit non, baka nasa sementeryo na ako non, hindi na ko pwedeng pumalakpak, pero alam niya na pinagdarasal ko ang kanyang tagumpay,” dagdag pa niya.

Sinabi ito ni Lim noong binuksan ni Moreno ang pinakamalaking dialysis center sa Pilipinas, na ipinangalan kay Flora Valisno Siojo, ang  lola ng dating alkalde.

Facebook Comments

Ethel Booba, kinumpirma na isa siyang supporter ni Pangulong Duterte: “I’m proud of it!”

Kinumpirma ni Ethel Booba na isa siyang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at inamin din nito na ang nasabing politiko ang ibinoto niya noong 2016.

Sinabi ito ni Ethel sa panayam sa kanya ng Kapamilya journalist Miguel Dumaual.

“Yes, I did vote for President Duterte and I’m proud of it. Happy?” ani Ethel.

Ngunit tila hindi nagustuhan ni Dumaual ang sagot ni Booba at sinabi nito na maaring ang pagiging “DDS” ng komedyante at vlogger and dahilan kung bakit tila ang mga opinyon nito ay pabor sa gobyerno.

“You voted for him? Ok. Marami kayong nagoyo noon. You’re proud of it? That certainly explains your behavior,” sagot ni Dumaual.

 

Inulan naman ng kritisismo si Ethel sa kanyang Twitter account ngunit hindi nagpainda ang vlogger at sinabing libre ang mga ayaw sa kanya na i-unfollow ang kanyang social media page.

“Oo mga teh 7 k palang yan umiiyak na kayo yung mga basher at hater mag unfollow na para alam ko wala nang nabubulok na naka follow sakin sana 2022 na para bumaha na namn ang luha ng mga luhaan. Spread nyo lang hate yan din naman ang balik sa inyo eh. Happy?” saad ni Ethel.

“Tsaka anong delete ang tweet. Dyan lang yan para sa mga. Malakas mang bash at makita ang kamalian ng iba pero sarili nila di nakikita salasalamin din mga bakla. My tweet is purely intended only to basher or troll na walang magawa sa buhay kaya kung tinamaan ka. Ikaw yun,” dagdag pa nito.

Tila inasar pa ni Ethel ang mga kritiko niya matapos siyang mag share ng larawan ng mga kongresista na gumisa sa ABS-CBN.

Matatandaan na inakala ng buong social media world na si Ethel ay kritiko ng gobyerno dahil narin sa mga tweets ng isang Twitter account na kalaunan ay tinawag niyang ‘fake’.

Naging laman pa ng mga pahayagan ang mga banat ng nasabing pekeng Twitter account ni Ethel.

Facebook Comments

Fernando Carillo ng Rosalinda, nagsalita na matapos ibunyag ni Korina Sanchez na nilagawan niya diumano ito

Fernando Carillo, nagsalita na ilang araw matapos i-kwento ng Kapamilya journalist na si Korina Sanchez ang kanyang relasyon noon sa kilalang telenovela actor noong early 2000’s.

Si Carillo ang gumanap bilang Fernando José, ang leading man ni Thalia sa Rosalinda na ipinalabas noong 1999 at naging sikat din ang nasabing telenovela sa Pilipinas.

Sa isang Instagram comment, ipinaalam ni Carillo ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at ang kanyang paghanga kay Sanchez.

“MY BELOVED PHILIPPINES. 4ever in my heart. MABUHAY. Thank you for so much love over the years. @korina is undoubtedly a TRUE lady and a real Filipino female example of what an empowered, independent and intelligent women, looks like. Salamat Philippines for so much love. Gracia,” ani Carillo.

Ayon kay Sanchez sa isang interview, nag date diumano sila ni Carillo ngunit naudlot ito ng mag desisyon na tumakas ang mamamahayag sa aktor.

“We dated pero walang nangyari. Not even a kiss. Nothing. Natakot ako. Fernando is such a darling but you have to be ready for him. Super gwapo, super sweet, pero I really ran away from him. And he remembers that,” kwento ni Sanchez.

Screencap mula sa Instagram account ni @ferrcarillo

“Natakot ako. We had a date. And at the end of that date, nagkakaripas ako ng takbo papasok ng kotse ko to leave. Na-tense ako eh,” dagdag pa nito sa isang interview.

Unang nagkita si Sanchez at Carillo noong kasagsagan ng kasikatan ng Rosalinda sa Pilipinas noong taong 2000.

Noong 2012, nagkita muli ang dalawa at pinaalala diumano ni Carillo ang naudlot nilang relasyon, mahigit isang dekada na ang nakakaraan.

Kasal na noon si Sanchez sa dating Interior secretary at Senador na si Mar Roxas.

“He went back to the Philippines and he went to DZMM and said ‘Do you remember that night when you ran away from me? And now you’re married, so what now?’” kwento ni Sanchez.

Hindi naman nagbigay ng kumento ang asawa nitong si Mar Roxas sa nabuhay na issue sa pagitan ni Sanchez at Carillo.

Samantala, pinag uusapan ngayon ang posibilidad na paglipat ni Sanchez sa TV5.

Ang tanging masasabi lamang ng mamamahayag sa kanyang mga fans, “abangan” nalang daw ang mga susunod na kabanata.

Facebook Comments