Home Blog Page 62

Arnold Clavio nag a-adjust na sa new normal, nagpunta sa golf club at ipinakita ang adobong take out niya

Mamamahayag na si Arnold Clavio, ibinahagi si kanyang Instagram kung paano siya nag a-adjust ngayon sa ‘new normal’ sa panahon ng pandemya sa bansa.

Sa gitna ng kinakaharap na batikos ni Clavio ay napili nitong ibuhos ang kanyang oras kahapon upang pumunta sa isang golf club sa Rizal province at mag relax.

Pinakita rin ni Clavio ang kanyang tanghalian na Chicken Pork Adobo na kinain niya habang nakasakay sa golf cart.

“The new normal No dine in, eh di sa fairways mag-lunch… Chicken Pork Adobo toppings . Solved! Stay safe mga ‘iGan,” ani Clavio.

Matatandaan na inuulan ngayon ng batikos si Clavio dahil sa diumano’y relasyon niya sa dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sarah Balagbagan 22 taon na ang nakakaraan.

Kinukwestiyon ng mga netizen kung bakit tila hindi nagsasalita si Clavio tungkol sa mga sinabi ni Balagbagan na 17 anyos pa lamang noong magkaroon daw sila ng relasyon ng mamamahayag.

Kahit ang isa sa mga dati niyang kasamahan na istasyon na si Jay Sonza ay hinimok na si Clavio na magsalita dahil hindi naman daw ito makakabawas sa kanyang pagkalalake.

Pero tila hindi apektado si Clavio ng mga isyu na ipinupukol sa kanya dahil kita naman sa kanyang mga social media post na nakakapag relax ang nasabing mamamahayag.

Mag iisang linggo na matapos aminin ni Sarah Balagbagan na ang ama ng kanyang panganay ay si Clavio.

Napalapit diumano si Balagbagan dahil sa ‘sense of humor’ ni Clavio at ang mamamahayag diumano ang nagpapatawa sa kanya noon.

Maalala na tatlong taon napiit si Balagbagan sa United Arab Emirates dahil sa pagtatangol nito sa kanyang sarili.

Si Clavio naman na 32 anyos noon ang nag cover sa istorya ni Balagbagan.

 

 

Facebook Comments

Dating host ng GMA may banat kay Arnold Clavio: “Your silence is not helping you”

Isang dating host sa GMA ang hinimok si Arnold Clavio na magsalita na tungkol sa rebelasyon ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) at ngayo’y radio host na si Sarah Balagbagan-Sereno.

Maalala na sinabi ni Balagbagan na nagkaroon sila ng relasyon ni Clavio 22 taon na ang nakararaan at nagbunga pa ito ng isang sanggol.

Ayon sa mamamahayag na si Jay Sonza na dating host ng Partner’s Mel and Jay sa GMA, hindi makakatulong ang pagiging tahimik ni Clavio para matakasan ang isyung kinakaharap nito.

Dapat diumanong magpaka lalake si Clavio na kilala rin sa kanyang palayaw na ‘Igan’ at harapin ang isyung kinakasangkutan nito.

Kung hindi naman daw kaya ni Clavio na magpakalalaki ay dapat ay lumayo nalang siya sa mata ng publiko.

“My friend (igan) your silence is not helping you any. MAN UP. SPEAK UP OR SIMPLY VANISH,” ani Sonza.

“Hindi kabawasan ng pagkalalaki o pagkatao ang pag-amin ng kasalanan, pagkakamali at pagkukulang. if you can’t do this, spare your colleague at GMA from further humiliation and disrespect. Do the most honorable thing, vanish from public eye,” dagdag pa niya.

May mensahe rin ang batikan na mamamahayag sa GMA at sinabing lumabag si Clavio sa Repuclic Act 7610 dahil sa ginawa niya kay Balagbagan na menor-de-edad palang noong diumano’y nabuntis niya ito.

Pinaalala din ni Sonza ang slogan ng GMA na “walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang” sa kanyang post.

“It has been 7 days and you chose to remain silent. Your chairman and other corporate officials are held in high esteem and revered men and women of laws, members of the bar and industry leaders,”

 

Mag iisang linggo na matapos aminin ni Balagbagan ang kanyang nakaraang relasyon kay Clavio at sinabi nito na matagal ng tapos sa kanya ang isyu.

Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Balagbagan na ang kanyang “Kuya Arnold” ang ama ng kanyang panganay.

Matagumpay nilang naitago ang kanilang relasyon dahil narin sa “payo” ni Clavio sa kanya.

“Alam niyo po simula noong nagkaroon kami ng relasyon ni Arnold ang payo niya sakin lagi ay ‘walang aminan, kahit anong mangyari wag kang aamin, napaniwala niya ako,” sabi ni Balagbagan.

Samantala, binuhos naman ni Clavio ang kanyang oras para i-pamper ang kanyang sarili sa gitna ng batikos na natatangap niya sa mga netizen.

 

Facebook Comments

Asawa ni Chuckie Dreyfus may pasabog kay John Regala: “Ikaw ang nagpapabili ng bawal na gamot!”

May malaking rebelasyon ang asawa ni Chuckie Dreyfus na si Aileen laban kay John Regala.

Kamakailan lang ay itinanggi ni Dreyfus ang akusasyon ni Regala na itinakbo diumano nila ang donasyon na nakalap nila para sa dating aktor.

Maalala na ang grupo ni Dreyfus, kasama sila Nadia Montenegro at Amster Amoyo ang nag desisyon na putulin na ang pagtulong nila kay Regala dahil sa hindi nito pagsunod sa kanilang payo.

Sinabi naman ni Regala na wala siyang natanggap ‘ni singko’ mula sa grupo ni Dreyfus.

Idinaan sa social media ni Dreyfus ang kanyang pagkadismaya sa mga pinagsasabi ni Regala sa programang Wanted Sa Radyo.

Ayon sa asawa dating miyembro ng “That’s Entertainment”, dapat ay mahiya si Regala sa mga taong nagbibigay ng donasyon sa kanya dahil diumano’y nagpapabili parin ito ng bawal na gamot.

Hindi man binanggit ni Aileen ang pangalan ng kanyang pinaparingan, ay obvious na para kay Regala ang mensaheng gusto nilang iparating.

“Stop acting like you are the victim! Ikaw ang bumibili at nagpapabili ng bawal na gamot kaya mahiya ka sa mga tumulong sayo!” ani Aileen.

Maalalang nalulong sa masamang bisyo noon si Regala.

Samantala, naglabas din sila ng pahayag sa sinasabi ni Regala na zero balance daw ang bank account niya.

Ayon kila Dreyfus ay wala silang alam sa pinagsasabi ni Regala tungkol sa bank account nito dahil wala namang may access dito kundi ang dating action star lamang.

Pinayuhan din nila si Regala na gastusin niya ng tama ang mga naibigay sa kanya.

“The BDO joint account that was opened under Nadia and Aster’s name was all they had. The remaining cash donations inside the BDO joint account was deposited into your Metrobank account last August 20, 2020. All receipts, breakdown of expenses, donors name (cash and in kind), available balance, etc. were inside the brown envelope that was handed over to your caretaker, Teddy, since you were still recovering at that time. We also have a copy of everything and even provided Mr. Raffy Tulfo and his team the same documents,” saad ng kampo nila Dreyfus.

“So please Mr. Regala, stop making up stories. Magpagaling ka na lang and use the remaining cash donations that we deposited (kung meron pa) for your medications. Gastusin mo sa tama,” dagdag panila.

Ipinakita rin nila ang mga resibo na magpapatunay na nakapagpadala sila ng pera sa account ni Regala.

Ikinalungkot din ni Dreyfus na pati ang ginawa nilang fundraising noon para sa namayapang aktres na si Isabel Granada tatlong taon na ang nakakaraan ay naungkat.

“People are mad at us because some find it hard to believe. Pinagsamantalahan daw namin si John at pinagperahan. Ultimo burol at libing ni Isabel binabalik ang issue at kesyo pinagperahan din daw namin. I can’t believe may mga taong ganito,” ani Dreyfus.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Regala sa bagong akusasyon laban sa dating aktor.

 

Facebook Comments

John Regala sinabing wala siyang natanggap na pera mula sa grupong nanghingi ng donasyon gamit ang pangalan niya

Sinabi ng dating action star na si John Regala na wala diumano siyang natanggap na pera mula sa isang grupo ng mga artista na nanghingi ng donasyon para tulungan siya.

Sa episode ng Wanted sa Radyo, sinabi ni Regala na wala siyang alam tungkol sa perang nilikom ng grupo nila Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at Aster Amoyo.

Maalalang sila Dreyfus ang nag anunsyo noon na puputulin na nila ang pagtulong kay Regala dahil sa hindi nito pagsunod.

“Nasan po kayo ‘yon, yung tulong na sinasabi nila, ‘yung kinalap nila?” tanong ni Regala.

Ayon kay Regala, wala siyang natanggap ‘ni singko’ sa perang nilikom nila Dreyfus para sa kanya.

“Actually humihingi pa nga ako sa kanila, pero wala silang binibigay sa akin, wala namang proof kung magkano ang ibinigay ng kapwa ko artista o netizen or yung ibang tao,” saad ni Regala.

Sinabi ni Regala na ang ginawang bank account nila Dreyfus para sa kanya ay zero balance na.

“Hindi po ako magsisinungaling sa inyo kuya Raffy (Tulfo) napakasamang ko ng tao kung magagawa ko pang magsinungaling sa inyo,” saad niya.

Nanghingi pa diumano ng $1000 ang grupo nila Dreyfus sa dating aswa ni Regala upang mabayaran ang gastusin sa ospital ng dating aktor, dahil kulang pa daw ang nalikom nila para makalabas ito sa pagamutan.

Inireklamo rin ni Regala kung bakit siya dinala sa mamahaling ospital at binigyan ng maraming doktor.

Umabot diumano ng 137,000 ang binayaran ni Regala sa kanyang pamamalagi sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Tumulong din daw sa kanyang pag papagamot sila Vic Sotto, dating Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla.

Hindi naniniwala si Regala na 87,000 lamang ang ibinigay nila Sotto, Estrada at Revilla dahil ang grupo nila Dreyfus ang tumanggap ng donasyon at hindi siya mismo.

Photo courtesy: Raffy Tulfo in Action

Paliwanag naman ni Dreyfus, lahat ng perang dumadaan sa kanilang grupo ay ginamit sa pagpapa ospital at pagpapasweldo sa tagapag alaga ni Regala.

May personal bank account din daw si Regala at doon daw pinapadala ang ibang donasyon.

Umabot daw ng 290,000 ang nalikom nilang pera para kay Regala.

Pinakita rin nila ang isang bank certificate na magpapatunay na nagpadala sila ng 115,000 sa account ni Regala.

Mayroon din silang listahan ng mga taong nagbigay ng donasyon sa dating aktor upang mapatunayan na hindi nila itinakbo ang pera.

Pero iginiit ni Regala na wala siyang napakinabangan sa mga donasyong kinalap nila Dreyfus.

“Wala po (akong natanggap) kasinungalingang malaki po ‘yan,” saad ni Regala.

Kinumpirma din ng assistant ni Regala na wala silang natatanggap na tulong kundi puro resibo lamang at wala daw ipinadala ang grupo nila Dreyfus na listahan ng mga nagbigay ng donasyon sa dating aktor.

Facebook Comments

Arnold Clavio, nagpunta sa barberya sa gitna ng isyung kinakaharap nito dahil kay Sarah Balagbagan

Hanggang ngayon ay hindi parin nagbibigay ng kumento ang mamamahayag na si Arnold Clavio tungkol sa rebelasyon ng kanya diumanong dating kasintahan na si Sarah Balagbagan.

Halos mag iisang linggo na matapos ibuking ni Balagbagan ang dati nilang relasyon ni Clavio noong 1996 na nagbunga pa ng isang sanggol.

 

17 anyos pa lamang si Balagbagan at kakauwi pa lamang sa Pilipinas matapos itong manatili sa piitan sa United Arab Emirates ng tatlong taon, habang si Clavio naman ay 32 noon.

Tila hindi naman apektado si Clavio at tuloy parin ang kanyang normal na buhay kahit na inuulan siya ng batikos ngayon sa social media dahil sa ginawa niya.

Sa kanyang Instagram stories ay makikitang pumunta sa barberya si Clavio.

Tila natuwa naman ang mamamahayag sa kinalabasan ng kanyang gupit.

Pinakainaabangan ng mga tao ang statement ni Clavio tungkol sa rebelasyon ni Balagbagan, pero tila hindi natin ito malalaman dahil sabi nga ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) ay matagal ng natapos ang isyu na ito.

Napatawad na rin daw ng asawa ni Clavio si Balagbagan.

Pero sa mga netizen ay tila bago pa ang isyu kaya’t hindi pa nila itinitigil ang pagsasalita tungkol dito.

Sa ilang comments sa Facebook page ni Clavio, makikita ang ilang netizen na hindi maitago ang gigil sa mamamahayag.

Bat ayaw sumagot ni clavio sa mga issue?? Buti pa si sarah balabagan sinagot na ang issue bat si clavio ayaw dhil ba ayaw prn aminin??? Awsus 22 yrs na yun kailangan mo na maging free na aminin mo sa mga taong bayan pra hnd na mabigat yung kalooban mo. ani Marsh Mallow.

“Arnold clavio ibalita mo nman yung kay sarah balabagan,, umamin ka na magsalita k na kung totoo sinabi ni sarah ,,grabe k ayaw mo pa ren umamin,,marami ng nag aabang sa sagot mo…sumagot k na!!!!!” saad ni netizen Cecilia Cav Gregorio.

“May tanong lang po ako Mang Arnold, ka batch mo ba sa Hokage Academy si Mang Kanor na aking idol?” tanong ni netizen Marcus Dela Rosa.

Samantala hindi na ulit nagbigay pa ng kahit anong karagdagang impormasyon si Balagbagan na mapapakingan sa programa sa radyo sa PHLV Radio.

 

 

 

Facebook Comments

Pangulong Duterte, sinagot si VP Robredo: “Wag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao”

Hindi napigilan sumagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang talumpati kahapon.

Habang nasa meeting ng IATF, binanggit ni Pangulong Duterte ang pinagsasabi ni Robredo at pinayuhan ang bise Presidente na huwag na niyang dagdagan pa ang gulo sa bansa sa gitna ng pandemya.

“Ito namang kay Leni, in her ending statement… kung hindi ko daw gawin ng gobyerno, gagawin ng tao, well sa panahong ito medyo desperado ang mga tao tapos dagdagan niyo pa ng ganoon, na wala naman kayong base sana may maipakita kayo,” ani Duterte.

“Please do not add fuel to the fire, wag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao, pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayong lahat maski na sabihin niyo na pumanaw ako bukas, it cannot solve the problem of the country,” dagdag pa niya.

Kahapon lamang ay sinabi ni Robredo na kung wala na daw mamumuno sa bansa ay tao na mismo ang gagalaw at magtutulungan.

“At kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa. Tayo mismo ang haharap, tayo mismo ang mangunguna, gagampanan natin ang anumang tungkulin para daigin ang anumang pagsubok, sa ngalan ng ating kapwa.” ani Robredo.

“Tayo mismo ang titig sa mukha ng krisis na ito at buong tapang na ihahayag: “Maari mo kaming mapaluhod, pero hindi kailanman napigilan ang paulit-ulit at taas-noo naming pagtindig. Pilipino kami. Mas malakas kami sa anumang pagsubok,” dagdag pa niya.

Iminungkahi rin ni Robredo ang pagbibigay ng P5,000 kada buwan sa mg pinakamahihirap na pamilya sa Pilipinas.

 

 

Facebook Comments

VP Robredo sa gobyerno: Bigyan ng P5,000 kada buwan ang mga pinakamahihirap na pamilya

Hiniling ni Bise Presidente Leni Robredo sa gobyerno na bigyan nang 5,000 piso kada buwan ang mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Sa kanyang speech, hiniling ni Robredo na maglaan ng pondo para sa mahihirap lalo na sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa ngayon.

Ipinaliwanag niya na P200-B ang kinakailangan upang mabigyan ng 5,000 piso ang mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa, ngunit mas maganda na ito kaysa naman daw sa magutom ang mga ito.

“Mayroon nang Listahanan ang DSWD para matukoy sila. Kung mabibigyan ng P5,000 kada buwan para sa 4 na buwan ang 10 million poorest families, aabutin ito ng P200 billion. Maliit na halaga ito para mailigtas sila mula sa gutom,” ani Robredo.

Sinabi rin nito na maaring i-hire ng gobyerno ang ilang mga Pilipinong nangangailangan ng trabaho bilang contact tracer upang mapigil ang pagkalat ng sakit sa bansa.

Hindi pa naman nagbibigay ng opinyon ang palasyo tungkol sa mga ibinigay na mungkahi ni Robredo.

Matatandaan na aprubado na ng kongrso ang Bayanihan to Recover as One Act o “Bayanihan 2” upang mabawasan ang epekto ng pandemya sa bansa.

Milyon milyon ding Pilipino ang nakinabang sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Ilang buwan na ang nakakaraan ay sinabi ni Pangulong Duterte na nahihirapan na silang maghanap ng pondo para gamitin sa ilang programa ng gobyerno katulad na ang distance learning.

“We will try to come up with something in the next few days. Maybe before the end of the week, I would be able to look for the money. Wala na tayong pera ngayon,” ani Duterte.

 

Facebook Comments

Netizen hinimok ang GMA na patalsikin si Arnold Clavio dahil sa ginawa nito kay Sarah Balagbagan

Hinimok ng ilang netizen ang GMA-7 na sisantehin ang kanilang batikan na broadcaster na si Arnold Clavio dahil sa ginawa diumano nitong kalokohan 22 taon na ang nakakaraan.

Sa isang Facebook post, hinimok ni Krizette Laureta Chu ang GMA News at ilang executives ng nasabing istasyon na bigyan ng parusa si Clavio dahil sa ginawa niya kay Sarah Balagbagan na diumano’y binuntis nito.

17 anyos pa lamang si Balagbagan noong diumano’y nagkaroon siya ng anak kay Clavio na siyang nagco-cover ng kanyang istorya.

Nakilala si Balagbagan na isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa naging kaso nito sa United Arab Emirates matapos niyang ipagtanggol ang sarili niya sa kanyang employer.

Tinanong ni Chu kung kaya bang maatim ng GMA na mamalagi si Clavio na diumano’y sinamantala ang kahinaan ni Balagbagan noon.

“GMA News kaya ba ng konsensya nyo to employ someone who took advantage of a young 17 girl old girl who suffered at the hands of her employer? Made her pregnant, told her to shut up, and kept it from the public? No accountability,” ani Chu.

“And ihaharap nyo sa amin yan, delivering news? A liar through and through? You will risk being the best news and current affairs channel because of a man whose USP is having a puppet?” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya, dapat hindi hayaan ng GMA na maging “cheap” ang kanilang istasyon dahil sa hinayaan nilang mamalagi si Clavio sa kanila kahit na nalaman na ng lahat ang ginawa nito kay Balagbagan.

Kahit na ang kasamahan noon ni Clavio na si Jay Sonza ay tila hindi napigilan na magparinig sa mamamahayag.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Sonza na may parusa sa mga taong nanamantala sa mga menor de edad.

Hindi man binanggit ni Sonza ang pangalan ni Clavio ay maraming followers niya ang agad nahulaan kung sino ang pinapatamaan nito.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay mismong si Balagbagan ang nag kumpirma ng kanilang relasyon noon ni Clavio.

Hindi naman nagbigay ng kahit anong komento si Clavio.

 

Facebook Comments

Broadcaster na si Arnold Clavio, nakipag relasyon at nagkaanak sa 17-anyos noon na si Sarah Balagbagan

Hindi naitago ng mga netizens ang pagkagulat sa rebelasyon ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) at ngayo’y mamamahayag na si Sarah Balagbagan-Sereno tungkol sa kilalang broadcaster na si Arnold Clavio.

Apat na araw na ang nakakaraan, kinumpirma ni Balagbagan ang mga ulat tungkol sa kaniyang relasyon noon kay Arnold Clavio noong siya’y 17-anyos pa lamang.

Naging laman ng pahayagan si Balagbagan noong 1994 dahil sa pagtatangol niya sa kanyang sarili matapos siyang pagbalakan ng masama ng kanyang employer sa United Arab Emirates.

14-anyos lamang siya noon at nagsinungaling lamang para makakuha ng trabaho sa ibang bansa.

Matapos siyang mamalagi ng tatlong taon sa piitan ay nakalaya siya sa tulong na rin ng gobyerno at ilang kilalang personalidad.

Pagkauwi niya ng Pilipinas ay bigla na lamang itong nabuntis at nagkaroon ng mga haka haka kung sino ang ama ng dinadala ni Balagbagan.

Sa isang video ay itinanggi ni Balagbagan na si namayapang kongresista na si Roy Senares, o si Rey Langit ang nakabuntis sa kanya.

Sinabi niya na ang totoong ama ng kanyang panganay ay si Clavio na tinatawag niyang “Kuya Arnold” na nag-cover noon sa kanyang istorya.

“Inaamin ko po na ang ama ng aking panganay ay si Arnold Clavio, alam ko po na nagkasala ako sa kanyang may bahay,” saad ni Balagbagan.

Ayon sa kanya ay mabilis na nakuha ni Clavio na noo’y 32 years old ang kanyang loob dahil sa ‘sense of humor’ ng mamamahayag.

Ipinasyal din diumano ni Clavio ang 17-anyos na si Balagbagan sa Kamaynilaan at dinala rin siya nito sa sinehan.

Bilang isang OFW na tubong Mindanao ay nabaitan siya sa ginawa ni Clavio.

“Alam niyo po kung gaano siya ka kengkoy, hindi lamang po ‘yung mukha niya, kundi ‘yung sense of humor niya, kahit na malungkot ako ay napapatawa niya ako,” ani Balagbagan.

“Just imagine po, na galing ako sa kulungan kung gaano po ako ka vulnerable non,” dagdag pa nito.

Tagumpay naman nilang naitago ang relasyon nila, dahil masunurin siya sa bilin ni Clavio na h’wag daw sasabihin kahit kanino ang nangyayari sa kanila.

“Alam niyo po simula noong nagkaroon kami ng relasyon ni Arnold ang payo niya sakin lagi ay ‘walang aminan, kahit anong mangyari wag kang aamin, napaniwala niya ako,” sabi ni Balagbagan.

Nilinaw naman ni Balagbagan na hindi niya planong i-justify ang nangyari at matagal na diumano siyang naka move-on sa isyu.

Sinabi rin niya na matagal na siyang napatawad ng asawa ni Clavio.

“Sa asawa ni Arnold Clavio, patawarin mo ako kung nasaktan ko ang damdamin mo noong mga panahon na may relasyon kami ni Arnold noong 1996-1997 gayon na rin sa mga anak ni Arnold, patawaran niyo ako,” saad niya.

Humingi rin siya ng tawad sa kanyang panganay.

Hindi pa nagbibigay ng salaysay si Clavio sa mga rebelasyon ni Balagbagan.

Facebook Comments

Bagong bahay, naghihintay sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya Program

Hindi na daw kailangan mag alala pa ang mga nagbabalak na sumali sa ‘Balik Probinsya Program’ dahil may inihanda na ang gobyerno na bago nilang tahanan.

Sa isang Facebook post, ibinalita ni dating Agriculture Secretary at ngayo’y Mindanao Development Authority chairman Manny Piñol ang balak ng gobyerno nag magtayo ng pabahay para sa mga pamilyang uuwi sa kanilang probinsya sa programang isinulong ni Senador Christopher “Bong” Go.

Ipinakita ni Piñol ang itsura ng magiging tirahan ng mga kasali sa Balik Probinsya.

Ang model na ipinakita ni Piñol ay itinayo sa Lanao del Norte gamit ang pondo mula sa private sector.

Nagkakahalaga ng P300,000 ang duplex housing unit at kada isa nito ay may dalawang kwarto, isang banyo at kusina.

Sinabi pa ni Piñol na balak magtayo ang gobyerno ng 100 nito sa Lanao Del Norte, habang 200 na single-detached units naman ang itatayo sa Zamboanga del Norte.

Maari na daw tirhan ang mga nasabing bahay bago matapos ang taon.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang balita.

“Wow! A really decent house for a change! Saludo, Sec Emmanuel Pinol! The best part that it costs only P300,000 because there were no clawbacks for anyone! Yehey!” ani netizen Clarita Carlos.

Ang Balik Probinsya ay isang programa ng gobyerno na naglalayon na himukin ang mga tao sa urban areas katulad ng Metro Manila na bumalik sa kanilang pinanggalingan.

10,000 tao kaagad ang nagpakita ng interes na sumali sa nasabing programa.

Hindi rin naman nakalusot sa batikos ang nasabing programa dahil maari daw nitong palalain ang pamdemyang kinakaharap ng bansa ngayon.

 

Facebook Comments