Home Blog Page 3

Tiktok ng showbiz couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, pinag uusapan ngayon

Pinag uusapan ngayon sa social media ang Tiktok ng kilalang showbiz couple na si Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Sa nasabing video na in-upload ni @popjournalmanila, makikita ang sweet moments ni Derek at Ellen na naging kontrobersiyal dahil sa bilis ng progreso ng kanilang relasyon.

Makikita sa nasabing video si Ellen habang papasugod kay Derek. Kinarga naman ng aktor ang aktres.

Ipinakita pa ng aktres ang kanyang pagiging flexible habang isinasayaw siya ni Derek.

 

Ibinahagi din ni Ellen ang nasabing video sa mismong Instagram niya.

Nitong nakaraang araw ay ibinahagi din ni Ellen ang mga sweet moments nila ni Derek habang sila’y nagbabakasyon sa isang resort.

Naging usap usapan din ang nasabing video dahil tila gigil na gigil ang dalawa sa isa’t isa habang kinukuhanan sila ng litrato.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

“Ituloy nyo na sa kwarto nyo po,” ani netizen @etheelwooooood.

“parental guidance wag tularan,” sabi ni @mariaelle_25.

“Grabe kainit na sa summer oy hahahaha,” comment ni @joan_fabro.

Nakatakdang ikasal ang dalawa ngayong taon, ngunit hindi nila sinabi ang eksaktong petsa ng kanilang pag-iisang dibdib.

Facebook Comments

Rosemarie Tan, buong tapang na ipinakita ang dati niyang itsura sa mga netizens: “

Aktres at vlogger na si Rosemarie Tan o mas kilala sa kanyang palayaw na Rosmar, ipinakita sa mga netizens ang kanyang dating istura matapos pag usapan sa social media ang malaking pagbabago sa kanyang mukha.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Rosemar ang naranasan niyang paghihirap dahil sa kanyang dating itsura.

Ayon sa kanya ay simula pa noong elementary hanggang college ay hindi na siya tinantanan ng panglalait dahil sa dati niyang itsura.

Minsan ay naisip niya narin na tapusin ang kanyang buhay dahil nga sa walang tigil na pambubuska sa kanya.

Hindi naman siya sumuko at naisipan niya na i-makeover ang kanyang sarili.

“Nag pa braces ako, 10 years! oo isang dekada bago naayos ngipin ko. dalawang ngipin sungki, nung naibaba naging usngal, anak ng tinapang buhay to,” kwento ni Rosmar.

“Nung natanggal ang braces ko, naemphasize ang ilong ko. sinabayan pa na from 59 kilos bumaba ng 46kilos ang timbang ko,” dagdag niya pa.

Ngunit kahit daw na madami na siyang ipinagawa ay hindi padin daw tumigil ang mga taong humuhusga sa kanya at tinatawag naman siya ngayon na ‘retokada’.

“Akala ko pag gumanda ako kahit paano makakatakas na ako sa mundong mapanghusga, pero hanggang ngayon suki pa rin pala,” sabi niya.

“Ang sakit sa pakiramdam na pagtawanan ng mga kapwa ko “TAO” At to the point na husgahan ka pang retokada ng mga tao na nakapanuod ng content ng mga kapwa ko creator,” dagdag niya pa.

“Inalagaan ko at minahal ang sarili ko para sana mabawasan o mawala ng judgements pero still, Nasa mundo nga pala ako na puno ng panghuhusga,”

Umabot ng libo libong reactions sa social media ang nasabing post.

 

Facebook Comments

Ruby Rodriguez, nakasama ang ilan sa dating kasamahan niya sa Eat Bulaga sa unang pagkakataon

Sa unang pagkakataon simula ng siya’y mawala sa Eat Bulaga ay nakita muli si Ruby Rodriguez kasama ang ilan sa mga dati niyang kasamahan.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Ruby ang reunion ng ilang malalapit na kaibigan at kasamahan ni Bossing Vic Sotto na ipinagdiwang ang kanyang kaarawan nitong Abril 28.

Idinaan na lamang sa zoom party ang nasabing pagdiriwang dahil sa hindi pa maaring magsagawa ng mass gathering sa ilalim ng MECQ.

“Zoom party!!!New Normal celebration… Happy Birthday Bossing.. you truly are a blessing to so many. Your generous heart be filled with love. We love you,” ani Ruby.

Makikita sa Zoom party sila Senate President Tito Sotto, Joey de Leon, Wally Bayola, Alden Richards, Allan K at Antonio Tuviera ng TAPE inc.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)

Matatandaan na madami ang naintriga noon sa sagot noon ni Ruby kung bakit siya nawala sa Eat Bulaga.

“Sila tanungin mo,” sagot ni Ruby noon sa isang netizen na nagtanong lang kung makakabalik pa ba siya sa Eat Bulaga.

Akala tuloy ng ilang netizen ay nagkaroon ng tampuhan si Ruby at ang ilang tao sa likod ng number one noontime show sa bansa.

Hindi naman nilinaw ni Ruby kung ano ang ibig sabihin ng kanyang sagot noon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay napakadaming pagsubok ang dumaan kay Ruby kaya naman madami sa mga netizens ang nagdasal para sa kanya.

Facebook Comments

Mystica, si Angel Locsin naman ang pinagmumura: “Akala ko pa naman may utak ka”

Hindi na nakapag pigil pa ang dating aktres na si Ruby Rose Villanueva o mas kilala sa kanyang alyas na Mystica at nakisali narin ito sa pagbatikos kay Angel Locsin.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Mystica ang kanyang pagka-dismaya sa nangyari sa community pantry ni Angel na kanyang itinayo noong Abril 23, sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

Hindi rin nakapagpigil si Mystica at nakapagsambit na ito ng masasamang salita laban kay Angel dahil hindi man lang daw inisip ng aktres na may mga taong maaring mahirapan dahil sa pagpila sa kanyang community pantry.

“Dapat from the start palang inisip na nila na kasi Angel Locsin ‘yan, artista yan, dadagsain talaga ‘yan and you cannot expect na only 300 lang ang pupunta diyan,” ani Mystica.

Kahit diumano siya na nagkaroon ng feeding program ay lumampas sa 300 ang kanyang nabigyan.

Nagdududa din si Mystica kung totoo ba na mabuti ang hangarin ni Angel kaya ito nagtayo ng community pantry.

“Angel Locsin, ang masasabi ko lang palpak ka,” sabi niya pa.

Inakusahan din nito ang aktres na balak daw nitong tumakbo sa halalan kaya ito nagpapalakas sa tao.

Hinimok din nito si Angel na wag ng batikusin ang Presidente.

“Wag kang magdidikta sa Presidente at magtali-talinuhan, magrunong-runungan kung ang mismong ipinapakita mo ngayon ay halimbawa o ang concrete solution na sinasabi mo ay palpak,” ani Mystica.

“Mabuti pa si Presidente he is actually thinking about the safety of the people kasi alam niya na ang kalaban ay hindi nakikita,” dagdag niya pa.

Maliban kay Angel ay hindi rin nakaligtas si Liza Soberano kay Mystica.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Angel at Liza kay Mystica.

Facebook Comments

Andrea Torres, pumalag sa panayam ni Derek Ramsay: Tantanan mo na ako!!

Pumalag si Andrea Torres sa mga pahayag ng kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay na kamakailan lamang ang nagkwento tungkol sa naging relasyon niya sa aktres.

Sa isang panayam sa kanya sa press conference ng kanyang bagong drama sa GMA na “Legal Wives” sinabi ni Andrea na ilang buwan narin siyang nananahimik tungkol sa dating relasyon nila ni Derek.

Ayon sa kanya ay wala naman siyang nakikitang katuturan kung pag uusapan niya ang dati niyang relasyon sa publiko.

“I don’t see the significance of discussing details in public,” ani Andrea.

Tila itinanggi niya din na lahat ng sinabi ni Derek sa nasabing panayam tungkol sa kanilang break-up ay totoo.

“I honestly have a different memory of what transpired and who ended it but I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ kind of thing,” sabi niya.

Nakiusap din siya kay Derek na sana’y tantanan na siya nito dahil matagal na silang hiwalay.

“I’ve moved on, if he truly respects me and my family, he’ll let us have our peace.” ani Andrea.

Sa isang panayam sa kanya ng showbiz reporter na si Cristy Fermin, ikinuwento ni Derek ang diumano’y istorya ng hiwalayan nila ni Andrea.

“‘So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo. Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?” kwento ni Derek na ngayo’y engaged na sa aktres na si Ellen Adarna.

“Siguro kung may regret ako, it’s that it came up over the phone,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments

Robin Padilla may hamon kay Jim Paredes at sa iba pang kritiko ng administrasyon: Sumama kayo sakin sa WPS!

Matindi ang naging hamon ng aktor at military reservist na si Robin Padilla sa mga kritiko ng administrasyon.

Sa kanyang live video, hinamon ni Robin ang ilang kilalang kritiko ng administrasyon katulad nila Senador Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Ping Lacson, dating Supreme Court Associate Justice na si Antonio Carpio, at ang singer na si Jim Paredes na sumama sa kanya sa West Philippine Sea upang tapatan ang militia ng China doon.

Ayon sa kanya ay kung talagang desidido ng mga nasabing personalidad na ipagtanggol ang WPS ay dapat silang pumunta doon.

“Tutal napakadaming matapang. Naririnig mo. Eto may mga politiko. Si Senator Kiko Pangilinan, ex-Justice (Antonio) Carpio, Jim Paredes, Senator (Risa) Hontiveros, si idol, si 10,000 hours Senator (Ping) Lacson. May mga iba artista pa at singers. Eh, kung talaga pong matapang kayo, eh, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon kasi atin eto,” ani Robin.

“Wala pong mangyayari kung dito tayo sa kalagitnaan ng pandemya, dito tayo lahat nagbabangayan sa Pilipinas, eh nandoon ang problema. Ang kailangan natin militia doon. Ang kailangan natin, tumambay din tayo doon. Ngayon nyo sabihin sa akin yan, kaya nyong magsakripisyo para sa teritoryo natin.” dagdag niya pa.

Naniniwala si Robin na hindi madadaan sa “satsat” ang nangyayari ngayon sa WPS.

Pag amin niya kahit siya na kilalang action star ay kinakabahan kapag nagsasalita ang mga kritiko ng administrasyon tungkol sa WPS.

“Talaga pong pag nagsalita kayo, ako’y ninenerbiyos, eh, sabi ko, katatapang nito, eh doon na natin ilabas ang tapang natin,” sabi niya.

Umabot ng libo libong reactions ang nasabing mensahe ni Robin.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga personalidad na binanggit ni Robin kung kakasa ba sila sa hamon ng aktor.

Facebook Comments

Ogie Diaz hindi sinisisi si Angel Locsin sa pagkasawi ng matandang pumila sa community pantry ng aktres: “Kasalanan yan ng sitwasyon”

Hati ang reaksyon ng ilang netizens sa naging pahayag ni Ogie Diaz tungkol sa pumanaw na senior citizen matapos pumila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Matatandaan na nitong Abril 23 ay naging napalitan ng lungkot ang kaarawan ni Angel matapos pumanaw ang 67 anyos na si Rolando dela Cruz na isa sa mga nakipila upang makakuha sana ng libreng pagkain mula sa aktres.

Labis ang naging kalungkutan ng aktres at paulit ulit itong humingi ng tawad sa mga netizens dahil sa nangyari.

Isa ang showbiz writer at talent manager na si Ogie Diaz sa mga nagpakita ng suporta sa aktres.

Naniniwala si Ogie na hindi dapat sisihin ni Angel ang kanyang sarili sa nangyari dahil ang totoong may kasalanan sa pagkasawi ng matanda ay ang “sitwasyon” ngayon ng bansa.

Ayon kay Ogie ay nagsakripisyo daw ng buhay si dela Cruz para daw malaman ng gobyerno at taumbayan ang nangyayari.

“Angel, di mo kasalanan. Kasalanan yan ng sitwasyon.” ani Ogie.

“At nakatakdang magbuwis ng buhay si tatay para maiparating ang mensahe sa taumbayan at gobyerno,” dagdag niya pa.

Habang ang ibang netizens ay pabor sa pahayag ni Ogie, may ilan din ang hindi napigilan na batikusin ang talent manager dahil sa sinabi nito.

Isa na ang Officer-in-Charge ng Davao City Information Office na si Jefry Tupas sa mga bumatikos kay Ogie.

Tanong ni Jefry, paano nalaman ni Ogie ang mangyayari sa senior citizen.

“Hindi ko tuloy alam ngayon kung si Ogie Diaz ba ay si San Pedro,” ani Jefry.

“Hay nakow. Sino si Sitwasyon ? Pakihanap nga siya pala may kasalanan. Abay sampahan ng kaso si Sitwasyon!” sabi naman ni netizen Brenda Star.

Matatandaan na napatawad na ng pamilya dela Cruz si Angel at wala silang sinisi sa nangyari sa matanda.

Facebook Comments

Asawa ni Yorme Isko na si Dynee Domagoso may mensahe: “Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho, napasama ka tuloy”

Binanatan ng asawa ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang mga kritiko ng kanyang kabiyak.

Sa isang Facebook post nagpakita ng suporta si Dynee Ditan Domagoso sa kanyang asawa na kamakailan lamang ay binanatan ng gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla.

Tila naging sarkastiko ang mensahe ni Dynee sa mga kritiko ng kanyang asawa at tinawag ang mga ito na ‘tamad’ at ‘inggitero’.

Mensahe ni Dynee sa kanyang asawa, dapat ay magpahinga muna saglit ang alkalde para hindi masapawan ang ibang opisyal.

Isa si Isko sa mga pinuri sa social media dahil sa mga ginawa niya sa kanyang nasasakupan.

“Ayan fresh pa! Ang napakapogi at napakayabang kong asawa. Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho. Napasama ka tuloy sa mga taong tamad at inggiterong pinanunuod ka lang. Pati dun sa mga magagaling at expertong manglait at manliit sa soc med, naku dalubhasa mga un!” ani Dynee.

“Rest ka din paminsan puro ka papogi eh matagal ka na pogi. Give chance to others kasi malayong malayo pa hahabulin nila sa kasipagan at kagwapuhan mo. Ok! Lab u,” dagdag niya pa.

Maliban pa kay Remulla ay nakisali narin ang Cavite Mayor’s League sa pambabatikos kay Isko na isa sa mga posibleng kandidato para pagka Pangulo sa susunod na taon.

Matatandaan kasi na tinawag na ‘loko-loko’ ni Isko ang alkalde ng Naic na si June C. Dualan dahil sa diumano’y hindi pamimigay nito ng ayuda sa mga taga Maynila na na-relocate sa kanyang nasasakupan.

“Style kasi ng trapong politiko yan, yung botante, hindi botante, tutal doon na sila nakatira, next time magparehistro na sila doon sa bayan na ‘yon, hindi dahil para iboto ‘yung loko-loko na ‘yun,” sabi ni Isko.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” sagot naman ni Remulla.

Facebook Comments

Angel Locsin, posibleng sampahan ng reklamo dahil sa nangyari sa kanyang dinumog na community pantry

Naghahanda na ang Barangay Holy Spirit, Quezon City para sampahan ng reklamo ang aktres na si Angel Locsin matapos dagsain ang kanyang community pantry na kanyang itinatag sa kanyang kaarawan.

Matatandaan na dinumog ang nasabing community pantry ni Angel matapos niyang i-anunsyo ang kanyang plano isang araw bago ang kanyang kaarawan.

Kahit mismong si Angel ay hindi inaasahan ang pagdagsa ng tao kung saan ay may isa pang matanda na nakapila ang nasawi.

Ayon sa mga opisyal ng Barangay Holy Spirit, maaring nilabag ni Angel ang IATF protocols dahil sa kanyang community pantry dahil makikita ang pagsisiksikan ng napakadaming tao na gustong makakuha ng libreng pagkain.

Wala din daw ginawang koordinasyon ang aktres sa mga opisyal ng barangay kaya naman pati sila ay hindi nakapaghanda para kontrolin ang pagdagsa ng tao.

Sa kanilang estima, umabot ng tatlong libong tao ang dumating sa kaarawan ng aktres habang 300 lamang ang stubs na naipamigay nila kaya naman kulang na kulang ito.

Madami din daw ang nadismaya dahil umuwi sila na walang napala sa kaarawan ng aktres.

Humingi naman kagad ng tawad si Angel sa nangyaring kaguluhan sa kanyang pantry.

“Sa lahat po ng naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po ito talaga ang intensyon natin. Kahit anong paghahanda namin para ma-avoid yung gantong gulo, hindi lang talaga siya ma-control kahit na nandito na yung munisipyo, military, pulis, barangay,” ani Angel.

“Sa mga hindi po mabibigyan today, nais ko din humingi ng pasensya. Gustuhin ko mang mag-abot, I don’t think papayagan ako ulit na gawin ‘to. Baka ipahatid na lang namin to kung ano mang matitirang goods sa area para mapakinabangan ng iba. Pasensya na po. Gusto ko lang po talagang i-celebrate ang birthday ko na makatulong sa ibang tao. Hindi ko po intensyon na makagulo,” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Angel sa planong ikaso sa kanya ng nasabing barangay.

 

Facebook Comments

Angel Locsin, binatikos ng ilang netizen dahil sa nagkagulong community pantry niya

Inulan ng batikos si Angel Locsin mula sa ilang netizens matapos dumugin ng tao ang kanyang community pantry na itinayo sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Abril 23.

Matatandaan na pinilahan ng madaming tao ang nasabing pantry ng aktres at mayroon pang naiulat na nasawi.

Ilan sa mga bumatikos kay Angel ay ang kilalang vlogger na si Byron “Banat By” Cristobal kung saan pinuna niya ang diumano’y pagiging “pabida” ng aktres.

“Dahil masyado kang PABIDA ayan may tigok! Next time tulong nalang wag na pabida!” ani ng blogger.

Pinakita din niya ang pag anunsyo ni Angel ng kanyang community pantry kahapon.

Pinuna din ng radio host na si Mark Lopez ang mga pahayag ni Angel kung saan ipinaliwanag ng aktres na hindi niya aakalain na madami ang pupunta sa kanyang community pantry.

Paliwanag kasi ni Lopez, sikat na personality si Angel at inanunsyo niya pa ang kanyang community pantry isang araw bago ito mangyari.

 “Unang una, NAG ANUNSYO KA SA SOCIAL MEDIA mo na MILYON ang following na mag se-set up ka ng Community Pantry sa birthday mo. Nag annouce ka the day before.  IN PUBLIC. In your socmed with MiLLIONS of following.
Nilagay mo pa nga ang exact address ng CP mo. Tapos, hindi mo ine-expect na dudumugin ang pa-birthday mo?” ani Lopez.

Pinaalala pa ng radio host na may kumakalat na sakit ngayon kaya’t posibleng lumabag din si Angel sa protocols.

“Kung gusto mo talaga tumulong, puede naman ikaw na lang ang nag bahay bahay. Pero gumawa ka pa ng super spreader na event? Bukad kay Lolo na namatay, ilan pang buhay ang nilagay mo sa alanganin?” sabi pa niya.

Humingi na ng tawad si Angel sa nangyari at sinabi na hindi niya ginusto ito.

“Sa lahat po ng naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po ito talaga ang intensyon natin. Kahit anong paghahanda namin para ma-avoid yung gantong gulo, hindi lang talaga siya ma-control kahit na nandito na yung munisipyo, military, pulis, barangay,” ani Angel.

Facebook Comments