Willie Revillame, napapabalitang papalit sa Eat Bulaga kung sakaling umalis ang TVJ sa Tape Inc.

dailybncnews

Maraming netizen ang nag-aalala na ang nangyayaring sigalot sa pagitan ng mga executives at host ng Eat Bulaga ang maging dahilan upang mamaalam sa ere ang longest-running noontime show matapos ang 44 na taon.

Sa mga nakaraang ulat ay napabalita na nag-umpisa ang isyu ng subukan diumano ng mga opisyal ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) na siyang may hawak ng Eat Bulaga ang founding producer ng programa na si Tony Tuviera.

Maraming host ang kumontra sa nasabing balak ng TAPE na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos, kasama na dito sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leoen.

Ayon sa ulat ng Bilyonaryo.com ay nakausap ng mga opisyal ng TAPE ang kilalang noontime show host na si Willie Revillame na palitan ang TVJ kung sakali na umalis sila sa Eat Bulaga.

Posible diumano na magbuo ng sariling show ang mga host ng Eat Bulaga na tatawaging ‘Dabarkads’ kung lisanin nila ang GMA Network na naging tahanan ng show sa loob ng 28 na taon.

Sa isang panayam ay itinanggi ng mga opisyal ng Tape na nakausap na nila si Willie tungkol sa posible nitong pagpalit sa TVJ.

“No. Not true, for the record po,” sabi ng opisyal.

UPDATE:

Dahil sa pag-alis ng mga host ng Eat Bulaga sa Tape Inc. ay maraming netizen ang nagsasabi na posibleng matuloy ang pagbalik ni Willie sa GMA lalo na’t wala na ito sa AllTV.

Nakikita din ng ilang netizen na tanging si Willie lamang ang maaring tumapat sa TVJ.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Tape at si Willie tungkol sa balita.