Home Blog Page 3

Wendell Ramos, binigyan ng pangkabuhayan showcase ang 80-anyos na lolo na ipinakulong ng kanyang kapitbahay

Ibinahagi ng aktor na si Wendell Ramos ang kanyang pagtulong sa 80-anyos na matanda na ipinakulong ng kanyang kapitbahay dahil sa pagkuha nito ng mangga.

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Wendell ang mga ipinamahagi niyang tulong kay Lolo Nardo Flores na matatandaang nag viral sa social media dahil sa paghuli sa kanya ng mga otoridad dahil sa isinampang kaso ng kanyang kapitbahay na si Robert Hong.

Kasama ni Wendel ang iGive, at ang OFW Family Club sa pagbibigay ng kabuhayan package sa matanda.

Makikita na may mga mangga din na ibinigay ang grupo kay Flores.

“Mission accomplished! LOLO NARDO’s dagdag KABUHAYAN , munting mga REGALO at NEGOSYO mula po saamin ng @ifranchise.bscorp , @ofwfamilyclub at @wendeli_meathouse

Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ng aming
-CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub..
kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA
.. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO’
umasa po kayo na ang @igivebyifranchise foundation po namin ay patuloy at mananatiling tutulong
Sa abot po ng aming makakaya.
Maraming Salamat po sa inyong lahat..
#togodbetheglory

#wendelifrozenmeatproducts #ifranchise
#ofwfamily #igivefoundation”

Todo pasalamat naman ang matanda dahil sa natanggap niyang tulong mula sa aktor at sa iba pang mga grupo.

 

Facebook Comments

OFW sa Bahrain, ipina-tulfo ng kanyang anak matapos niyang hindi ito bigyan ng ‘House and Lot’

Sa pambihirang pagkakataon ay kinampihan ng mga netizens ang isang inirereklamo sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA).

Sa nasabing programa, inireklamo ni Jerald Reondangga ang kanyang inang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Bernadette Montaniel dahil sa hindi daw nagpapadala ang domestic helper ng tamang sustento sa kanya.

Tumaas kagad ang kilay ng mga netizens matapos nilang mapanood kung paano sagut-sagutin ni Jerald ang kanyang ina na nagta-trabaho na ng ilang taon sa ibang bansa upang masustentohan ang kanyang anak.

Reklamo pa ni Jerald, bakit pa daw ipinapadaan sa ibang tao ang mga padala ni Bernadette kung pwede naman na ideretso na lamang ito sa kanya.

Ngunit iginiit ng OFW na hindi nababawasan ang kanyang mga padala at maliit lamang talaga ang sweldo niya bilang domestic helper.

Ibinunyag pa nito na maliban sa kanyang ipinapadalang salapi ay binabayaran niya rin ang motorsiklo na hinuhulungan ni Jerald at isa pang tricycle.

Minsan daw ay humihiling pa ang anak niya ng magarbong handaan para sa kanyang kaarawan ngunit hindi niya ito maiibigay dahil ipinangpa-inom lamang daw ito ni Jerald sa mga barkada niya.

Hinuhullungan niya rin ang cellphone ng kanyang mga anak.

Pero ayon kay Jerald ay ang ‘house and lot’ na hinihiling niya na hindi maibigay ng kanyang ina ang talagang nagtulak sa kanya para ireklamo ang ina sa programa.

Sa ngayon daw kasi ay nakikigamit lamang sila ng banyo sa kabilang bahay.

Nagtataka rin daw siya dahil may mga nakikita siyang ibang bata na mayroon ng sariling bahay kahit sa Maynila lamang nagta-trabaho ang kanilang mga magulang habang ang ina niya ay nasa abroad naman.

Ayon sa ilang ulat ay umaabot lamang ng P21,700 o BHD160 ang kadalasang sweldo ng mga domestic helper sa Bahrain.

Imbis tuloy na kampihan ay binatikos pa ng mga netizens ang nagrereklamo.

“Mahalin mo nanay mo Jerald. Kung hindi nya kayang iprovide ung mga gusto mo, ikaw magtrabaho para makamit mo ung mga bagay na un. Ipagdasal mo nalang na sana laging maging okay ang health ng mama mo. Trabaho ng DH, all around yan. Ilang oras lang tulog nila, tinitiis ung pagod puyat mapadalhan lang mga kapamilya sa pinas. Magtrabaho ka and mag-ipon paunti unti, kaya mo yan. Wag iasa lahat sa magulang. Sariling sikap is the key!” ani Raine Crafts and DIY.

“Magtipid ka, Jerald. Huwag maluho. Huwag feeling mayaman. Huwag social climber. As long as natutustusan pangunahing pangangailangan ninyo, okay na yun. Huwag humiling ng sobra kung hindi kaya. Kudos Nanay! Isa kang huwarang ina at bayani.” payo naman ni Jerry Mae Cole kay Jerald.

“Naku nanay dahil sa asal ng mga anak mo, dapat magipon ka na for your retirement. Kasi sa tingin pagdating ng oras wala ka aasahan sa kanila, baka makatikim ka pa ng mura at bawat pagkain na isusubo nyo na galing sa kanila isumbat pa. More power nanay.” sabi pa ni Jennifer Narag.

Facebook Comments

Jim Paredes, tinawag na duwag si BBM: “Ok maging takot, pero dapat harapin mo”

Hindi napigilan ng legendary OPM artist na si Jim Paredes na makisali sa pambabatikos kay presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos.

Sa ilang tweet niya sa social media ay tinawag niyang “duwag” si Marcos dahil sa hindi nito hinarap ang hamon ng tanyag na mamamahayag na si Jessica Soho.

“LAME.. Ok maging takot pero dapat harapin mo..D pwedeng absent. DUWAG,” ani Paredes habang nagbibigay ng tugon sa pagtatangol ni dating senate president Juan Ponce Enrile kay Marcos.

Tinawag ding “cheater” ni Paredes ang dating senador at “tiger katol” dahil hindi naman daw totoo ang sinasabing imahe nito na “tiger of the north”.

“THE Tiger of the North is all smoke and mirrors. Ang totoo,Tiger Katol siya. Puro usok lang,” sambit ni Paredes.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang kampo ng mga Marcos sa mga banat ni Paredes na kilalang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na inulan ng batikos si Marcos matapos itong hindi dumalo sa ‘The Presidential Interviews’ ng GMA News.

Paliwanag naman ng kampo ni Marcos, ‘biased’ daw kasi si Jessica Soho o may pinapanigan kaya hindi sila dumalo sa panayam.

READ MORE: Kampo ni Bongbong Marcos, ipinaliwanag kung bakit hindi sila sumipot sa ‘Presidential Interviews’: “Biased si Jessica Soho”

“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is
founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike and will not subscribe as it hopes that the discourse in any forum about this coming elections must focus on how the aspiring presidents will solve our country’s lingering problems caused by the pandemic and what their plans are for our country to roll up from economic stagnation,” sabi ng kampo ni Marcos.

 

 

Facebook Comments

Matapos mabatikos, VP Robredo sasama na sa presidential job interview ng DZRH

Kinumpirma na ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pagdalo sa “Bakit Ikaw” presidential job interview ng DZRH at Manila Times.

Ayon sa ilang ulat ay sa February 2 siya lalabas sa nasabing programa.

Ang pagdalo ni Robredo ay kinumpirma ni Dr. Cesar Chavez, VP-Station Manager ng DZRH.

“Confirmed! Haharap po si VP @lenirobredo sa “Bakit Ikaw” presidential job interview ng DZRH at Manila Times sa Feb 2, 4-6:30pm, ayon sa pahayag ngayong umaga ni Paolo Espiritu ang kanyang MRO,” ani Chavez.

“Salamat po VP Leni!” dagdag niya pa.

Matatandaan na inulan ng batikos kahapon si Robredo at nag trending pa ang #RobredoDuwag sa Twitter matapos sabihin ng isa sa mga host ng nasabing programa na si Professor Antonio Contreras na hindi dadalo ang bise.

READ MORE: VP Leni Robredo, hindi diumano dadalo sa ‘Presidential Job Interviews’ ng DZRH-Manila Times

Ngunit ipinaliwanag ni Robredo na una na niyang tinanggihan ang imbitasyon dahil sa ‘conflict of schedule’.

“Ang totoo: I was invited to an interview with DZRH, initially set earlier this month. Ipapasok na sana sa schedule ko, but we were later told it was moved. Yung bagong sched nila was already in conflict with ours, as I had other commitments lined up.” ani Robredo.

“Actually puwede ako next week. Kung willing sila to adjust, iset na natin. Handa naman ako lagi humarap,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Moreno kung lalabas ba siya sa nasabing programa.

 

 

Facebook Comments

VP Leni Robredo, hindi diumano dadalo sa ‘Presidential Job Interviews’ ng DZRH-Manila Times

Hindi diumano dadalo si presidential aspirant at vice president Leni Robredo sa ‘Presidential Job Interviews’ ng DZRH-Manila.

Ito ay inanunsyo ng isa sa mga host ng nasabing programa na si Political Science Professor Antonio Contreras kung saan ay sinabi nito na hindi tinanggap ni Robredo ang kanilang imbitasyon.

Halata na malaki ang panghihinayang ni Contreras dahil marami sana siyang gustong itanong kay Robredo ngunit nirerespeto niya ang naging desisyon ng bise.

“I respect Leni Robredo’s decision to decline the invitation of DZRH and Manila Times to attend Bakit Ikaw, a live panel interview of presidentiables. Much as I was looking forward to the opportunity of asking her questions, as one of the panelists, I can only but take cognizance of the fact that it is well within her right to choose which forum and venue she would like to attend.” ani Contreras.

“After all, this is a free country, and Bakit Ikaw is just one of the many platforms through which the candidates can offer themselves for public scrutiny. We are in a pluralist democracy, where no one has a monopoly of the venues for legitimate political discourse.” dagdag niya pa.

Hinimok naman ni Contreras ang mga netizens na respetuhin na lamang ang naging desisyon ni Robredo.

Wala pang tugon ang kampo ni Robredo kung bakit hindi makakadalo ang bise.

Sa ngayon ay sila presidential aspirant dating Senador Bongbong Marcos, Leody De Guzman, Sen. Ping Lacson at Sen. Manny Pacquiao pa lamang ang kinukumpirma ang kanilang pagdalo sa nasabing panayam.

Samantala ay hindi pa kinukumpirma ni Manila City Mayor Isko Moreno kung makakadalo siya.

Ang ‘Bakit Ikaw’ ay isang live one-on-one interview na tatagal ng mahigit dalawang oras.

Eto ang schedule ng nasabing programa:

Bongbong Marcos, Tuesday, 25 January, 4 – 6:30 pm
Leody De Guzman, Wednesday, 26 January, 4 – 6:30 pm
Ping Lacson, Friday, 28 January, 4 – 6:30 pm
Manny Pacquiao, Friday, 29 January, 4 – 6:30 pm

 

Facebook Comments