Home Blog Page 2

Ka Tunying Taberna, pinagsabihan ang kampo ni Marcos: “Di tamang katwiran yung biased si Jessica Soho”

Hindi napigilan ni Anthony “Ka Tunying” Taberna ang batikusin ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos na matatandaang tinawag na ‘biased’ ang tanyag na mamamahayag na si Jessica Soho.

Sa kanyang live video nitong Enero 23 ay sinabi ni Tabnerna na ayos lamang sa kahit sinong kandidato ang tumanggi sa pagdalo sa mga interview kasama na dito ang ‘The Presidential Interviews’ ni Soho.

“Kung ikaw ba naman si BBM pupunta ka sa lugar na kung saan lalapain ka ng ma leon, sige nga? Common sense lang ‘yun, common sense! Lamang na lamang ka. Madadagdagan ba 60% mo? Malamang maubos ka d’un, papainan ka lang d’un. Itra-trap ka. Kukuhanan ka ng soundbyte. Pasasagutin ka in 30 seconds na hindi mo pa nabubuo sa isip mo ‘yung sagot, ubos na ‘yung oras. Itratrap ka na d’un, sasabihin t*nga ka, hindi ka marunong sumagot.” ani Taberna.

Ibinigay niyang halimbawa si “The King” Fernando Poe Jr. na hindi pumunta sa kahit anong debate noong siya’y tumatakbo blang Presidente.

Ngunit hindi nito nagustuhan ang naging dahilan ng kampo ni Marcos kung saan ay inakusahan nila ng may kinikilingan si Soho.

“Okay naman sana pero tingin ko ‘di tamang katwiran ‘yung biased si Jessica Soho. Wala sa hulog ‘yung pangangatwiran na ‘yun. Sabihin n’yo na lang na ayaw n’yong magpa-interview, tapos!” ani Taberna.

“Eh ‘di tapatin n’yo na ‘yung nag-iinterview kaysa sisiraan n’yo pa na biased. Eh alam n’yo naman ang media depende sa… kung pabor sainyo, ano ‘yun, ‘di biased? Kapag tinanong ka tapos ‘di mo gusto ‘yung tinanong, biased na ‘yung nagtatanong? S’yempre media ‘yun, tatanungin ka nang gusto itanong basta hindi labag sa batas. So okay lang ‘yun. Kung ayaw n’yang pumunta sa interview, okay lang ‘yun. Pero ‘yung titirahin pa ‘yung host, para sa’kin, mali ‘yun.” dagdag niya pa.

Nitong Enero 24 naman ay mismong si Marcos na ang nagsabi na “biased” si Soho kaya hindi ito dumalo sa nasabing programa na pinanood ng milyon milyong Pilipino.

READ MORE: BBM ipinaliwanag ang hindi niya pagpayag sa panayam ni Jessica Soho: “Anti-Marcos siya”

Wala pang sagot ang kampo ni Soho sa mga paratang ni Marcos.

Facebook Comments

Pamilya ng kapitbahay ni Lolo Narding Flores, humihingi ng proteksyon para sa kanilang buhay

Humihingi ngayon ng tulong ang pamilya ni Robert Hong dahil sa inuulan diumano sila ng pagbabanta sa kanilang buhay dahil sa ginawa nilang pagpapakulong sa kapitbahay nila na si Nardo Flores o mas kilala ngayon bilang Lolo Narding dahil sa mangga.

Sa panayam sa kanila ng GMA Regional TV ay sinabi nila na balak na talaga nilang i-atras ang kaso laban kay Lolo Narding na isinampa nila noong Mayo 2021 ngunit nagulat na lamang sila ng hulihin na ng mga pulis ang matanda nitong Enero.

Hiniling nila na sana’y itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanila.

Iginiit nila na sampung kaing o basket ng mangga ang kinuha sa kanila ni Narding at hindi lang sampung kilo.

Sinabi rin ng asawa ni Hong na si Rovelyn Sison na malinawan ang mga netizens sa totoong istorya.

“Gusto po namin malinawan ang lahat ng tao lalo na don sa social media ‘yung sa part po namin. Dapat po hindi sila naging one-sided.” sabi ni Sison.

Humingi rin ng proteksyon sa pulis ang pamilya Hong dahil sa nararanasan nilang pagbabanta.

Ngunit kailangan pa daw itong i-asses ng pulisya kung karapat dapat nga ba silang bigyan ng proteksyon.

Samantala ay handa naman humingi muli ng dispensa si Lolo Narding sa kanyang kapitbahay.

Facebook Comments

Ano ba talaga? Lolo Nardo Flores, tatlong beses humingi ng tawad sa kapitbahay sa barangay ngunit kinasuhan parin

Hanggang ngayon ay tila hindi parin tapos ang isyu ng 80-anyos na lolo na ipinahuli ng kanyang kapitbahay dahil sa pagpitas nito ng mangga.

Matatandaan na sa ilang ulat ay sinabi ng complainant na si Robert Hong na handa naman daw silang makipag-areglo noon sa matanda na si Nardo Flores kung magbibigay ito ng public apology.

“I-atras ko ang kaso basta magbigay siya ng public apology. Aminin niya na nagnakaw siya samin. Aminin niya na mali siya at humingi ng kapatawaran na hindi niya na ulit ito gagawin.” sabi ni Hong sa panayam sa kanya.

Ang pinag aawayan na puno nila Flores at Hong

Sinabi pa ni presidential aspirant at sen. Ping Lacson na mas pinapaniwalaan nila ang istorya ni Hong.

READ MORE: Robert Hong, hiniling na mag public apology si Lolo Nardo Flores sa kanila: “Aminin niya na nagnakaw siya samin,”

Ngunit iba ang ipinapakita ng record ng barangay hall kung saan tatlong beses nagharap ang kampo ni Hong at Flores.

Ayon kasi sa record ng Barangay Bantog ay tatlong beses humingi ng tawad ang matanda kay Hong ngunit itinuloy parin nito ang kasong ‘theft’ laban kay Flores.

Humihingi rin daw ng P10,000 si Hong kay Flores na hindi naman naibigay ng matanda.

Iginiit naman ni Lolo Narding na P600 lamang ang ibinayad sa kanya ng namamakyaw at hindi 12,000 katulad ng sinasabi ng kampo ni Hong.

“Patawarin niyo ako.” sabi ni Flores ayon sa transcript ng barangay.

“Patawarin niyo ako, hindi ko na uulitin,” sabi naman ng matanda sa ikalawa nilang pagkikita ni Hong.

Sa ikatlong pagkikita nila sa barangay ay hindi na napigilan ng matanda na magtanong kung bakit hindi parin siya pinapatawad ni Hong.

Nitong May 13, 2021 ay pormal ng nagsampa ng kaso si Hong laban kay Flores.

Ngayong taon lamang nahuli ang matanda sa bisa ng warrant na inihain ng Asingan PNP.

Inulan naman ng batikos si Hong dahil sa ginawa niya sa matanda ngunit iginiit nito na kahit sila ay nagulat sa paghuli kay Flores.

Facebook Comments

BBM ipinaliwanag ang hindi niya pagpayag sa panayam ni Jessica Soho: “Anti-Marcos siya”

Ipinaliwanag ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos kung bakit hindi niya tinanggap ang imbitasyon ng GMA News para siya’y lumahok sa ‘The Presidential Interviews’ ng tanyag na mamamahayag na si Jessica Soho.

“Basta’t may kinalaman sa Marcos, talagang may bias naman talaga ang pakiramdam ko. Kung gano’n na naman ang magiging usapan, wala nang silbi ‘yun kasi ‘di naman magbabago… ‘yung opinyon niya so hindi namin mapapag-uusapan ‘yung para sa akin ang importanteng pag-usapan… ‘Yun lang naman ang gusto kong pag-usapan dahil ang taumbayan, ‘yun lang naman ang gustong pakinggan,” ani Marcos.

Tinawag din nitong ‘anti-marcos’ si Soho at alam niya daw ito.

Samantala ay itinanggi naman nito na isa siyang duwag kahit na inatrasan niya ang panayam kay Soho.

“Sa pinagdaanan ko sa buhay ko, maliwanang namang hindi ako duwag na tao… Lahat naman hinaharap ko eh. Basta’t ‘yun na nga, ang mahalaga sa akin ay pag-usapan natin kung ano… ang importante sa taumbayan, hindi sa mga pulitiko, hindi sa mga partido, hindi sa mga kalaban, hindi sa kakampi… Huwag nang pulitika ang pinag-uusapan at may eleksyon na naman tayo. Made-decide lahat ‘yan pagdating ng eleksyon.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mamamahayag tungkol sa mga paratang sa kanya ni Marcos.

Facebook Comments

Robert Hong, hiniling na mag public apology si Lolo Nardo Flores sa kanila: “Aminin niya na nagnakaw siya samin,”

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi na ni Robert Hong kung ano nga ba ang bersyon ng kanilang istorya tungkol sa isyu na pinag usapan ng mga netizens nitong nakaraang Linggo.

Matatandaan na marami ang nakisimpatya sa 80-anyos na si Nardo Flores na residente ng Asingan, Pangasinan matapos itong mamalagi sa presinto ng ilang araw matapos itong sampahan ng kasong ‘theft’ ng kanyang kapitbahay na si Hong.

Ang dahilan? Ang pagpitas diumano ng mangga ni Flores kahit na nasa loob ng bakod nila Hong ang puno.

Sa panayam sa kanya ng mga staff ni presidential aspirant Ping Lacson ay hindi nito maitago ang sama ng loob dahil nagmukha pang bayani si Flores kahit na siya ang totoong biktima sa nangyari.

“Siya ang maykasalanan, pero siya ang naging bayani,” ani Flores sa mga staff ni Lacson.

Dahil daw dito ay nakatanggap siya ng mga mensahe ng pagbabanta mula sa ilang netizens.

Pakiramdam niya ay para daw siyang winasak at hindi parin daw siya nakakabalik sa trabaho dahil sa mga pagbabanta na natanggap niya.

Hindi rin daw totoo na mayaman sila at sinabi na halos pareho lamang daw sila kung mamuhay ni Lolo Nardo.

Ang gusto lamang daw ni Hong ay ang humingi ng tawad sa kanya ang matanda ngunit hindi parin daw ito ginagawa hanggang ngayon.

“I-atras ko ang kaso basta magbigay siya ng public apology. Aminin niya na nagnakaw siya samin. Aminin niya na mali siya at humingi ng kapatawaran na hindi niya na ulit ito gagawin.” sabi pa ng complainant.

Samantala ay itinanggi din ni Hong na hindi lang sampung kilo ang nakuha ni Flores sa kanila kundi sampung kaing o basket.

Ang kada basket daw ng mangga ay nagkakahalaga ng 1,200.

Dahil dito ay ipinabarangay niya si Flores ng tatlong beses ngunit hindi diumano sila nagkasundo kaya nagsampa na ito ng pormal na reklamo.

Ayon kay Lacson na tumutulong ngayon kay Hong ay gusto lamang daw nito na maalis na ang impormasyon na nagdidiin na siya ang masama sa istorya ni Lolo Flores.

“He said that he only did what is right under the circumstances and does not deserve the treatment he is getting, mostly from the misinformed netizens and the public. We believed him,” sabi ni Lacson.

Source: Inquirer

Facebook Comments