Tito Noel a.k.a Green Soldier, may mensahe sa publiko: “Kung wala kayong sasabihing maganda huwag na kayong magsalita”

Nagsalita na ang komedyante at internet celebrity na si Jhonwel Reyes o mas kilala bilang si ‘Green Soldier’ matapos niyang batikusin ang ilang netizens na nagbiro tungkol sa magiging kulay ng kanyang anak.

Matatandaan na nitong January 19, 2023 ay ibinahagi ni Reyes ang larawan nila ng kanyang asawa na nagdadalang-tao at ang naging tema ng nasabing photoshoot ay kulay green.

Kaya naman ilang netizens ang nagbiro at nagtanong kung magiging kulay berde rin ba ang kanyang anak.

Hindi ito ikinatuwa ng komedyante at binatikos ang mga gumagawa ng biro tungkol sa kanyang baby.

generoso 1q

Sa isang video, sinabi ni Reyes na hindi niya maintidihan kung bakit may mga nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa kanyang anak.

“Hindi ko alam kung bakit masyadong maraming apektado masyado, ang daming kumakalat na hindi magagandang salita sa picture namin ng mahal ko,” sabi ni Reyes.

“Gusto ko lang sabihin na sana magkaroon po tayo ng simpleng respeto sa kasiyahan ng bawat tao. Syempre napakalinaw ‘yung anak ko, normal na tao yun syempre, naka-custome lang naman ako eh, alangan naman na maging iba talaga ang kulay ng anak ko,” dagdag pa niya.

Hinimok din nito ang kanyang mga followers na sana’y tumahimik nalang sila kung wala silang sasabihing maganda.

“Kung wala kayong magandang sasabihin manahimik nalang kayo,” aniya.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon sa sinabi ni Reyes.

“Alam mu paps sa mundo ng social na media lalo pinasok mu ito normal na yan lalot ikaw ay nakilala sa pagpapatawa, wag mong itake as a negative yung comment nila sa picture nyo ng family mu, kung ano yung lawak ng isip mu sa pagpapatawa dapat ganun din kalawak isip mu sa mga komento ng ibang tao.” ani netizen Paps Jinok.

“Diba ikaw paps sa mga video mu ng pagpapatawa, sinasabihan mu sila ng kuripot pag nagbibigay sila ng barya, pero sa loob mu ito ay biro mu lang para mapasaya sila, so dapat ganun karin paps sa komento ng ibang tao take mu ito ng biro dahil pinapasaya ka lang din nila.” dagdag pa niya.

“Dapat namuhay ka Ng private idol.kasama na yan pag NASA social media ka mga artista nga nakakaranas nyan Kong gusto mo wag pag usapan mamuhay ka Ng pribado,” sabi ni John Causapin.

Facebook Comments