Isang pasahero, nakapag-live pa sa social media bago bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano

Nagdadalamhati ngayon ang mga residente ng bansang Nepal matapos bumagsak ang isang commercial airplane na sakay ang 72 na pasahero.

Nitong Enero 15 ay binulabog ang Nepal ng nasabing insidente kung saan 68 na katao ang nasawi.

Isa sa mga pasahero na si Sonu Jaiswal na isang Indian National ay nagawa pang makapag-live sa social media habang pababa ang kanilang sinasakyang eroplano.

Makikita sa nasabing video na tila kalmado lamang si Jaiswal at hindi nito alam na mayroon palang mangyayaring hindi maganda sa kanya.

Mapapansin pa ang tila pagngiti niya habang hinihintay ang mga susunod na pangyayari.

Matapos lamang ang halos isang minuto ay maririnig na lamang ang mga pasahero na sumisigaw.

Ilang segundo lamang ay maririnig na lamang ang pagbagsak ng eroplano at kasunod nito ang pagkalat ng apoy na nakunan parin ng camera.

Ayon sa pahayag ng mga otoridad ay patuloy parin nilang iniimbestigahan ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Nalaman din nila na luma na ang nasabing eroplano.

Naglabas naman ng pahayag ang Yeti Airlines at sinabi na kanselado na ang ilan sa kanilang mga flight habang umaandar ang imbestigasyon.

 

Facebook Comments