Dani Barretto damay sa ginawang pamamahid ng cake ni Alex Gonzaga sa isang waiter

Hindi napigilan ng ilang netizens na idamay ang content creator na si Dani Barretto sa pambabatikos na natatanggap ngayon ng aktres na si Alex Gonzaga.

Matatandaan na nitong Enero 16 ay inulan ng batikos si Alex sa kanyang mismong kaarawan matapos ang ginawang pamamahid ng aktres ng cake sa isa sa kanilang mga waiter.

Pakiramdam kasi ng ilang netizens ay napahiya ang waiter sa harap ng maraming tao lalo na’t hindi naman niya kaano-ano si Alex.

alex 4
Photo from Dani Barretto/IG

 

Ang nasabing video ay kuha ni Dani na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Alex.

Si Dani ay anak ng aktres na si Marjorie Barretto at ng aktor na si Kiel Legaspi.

Sa ngayon ay binura na ni Dani ang nasabing video ngunit madaming netizen na ang nakakita nito at ilang social media pages narin ang nag-upload nito.

Dani Barretto thought she could wipe her hands clean by deleting the ig story for Alex Gonzaga. Girl, mabilis kumuha ng resibo mga tao, and THE AUDACITY to zoom the video at kuya. Birds of the same feather, flock together nga talaga,” ani netizen @sushidotink.

“Nilapit pa talaga ni Dani Barretto yung camera nya sa mukha ni Kuya noh like as if Alex Gonzaga’s act isn’t enough. Like yeah making fun of someone who’s working decently to make a living is so cool.” komento ni netizen @maleedus.

Sana kasi sa gilagid na lang ni Dani Barretto pinahid ni Alex Gonzaga yun cake. Baka natawa pa ako.” wika ni netizen @kafosomo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing waiter kung ano nga ba ang kanyang naramdaman sa ginawa ni Alex sa kanya.

Facebook Comments