Jay Sonza, pinuna ang tattoo sa singit ni Celeste Cortesi matapos itong matalo sa Miss Universe

Mayroong paalala ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza matapos ang pagkatalo ng pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa Miss Universe pageant.

Sa kanyang post, pinuna ni Sonza ang diumano’y tattoo ni Cortesi sa isang parte ng katawan nito na maaring naging dahilan upang ito ay matalo.

Ayon sa mamamahayag ay maaring ito ang nagdala ng malas sa Filipina beauty queen kaya’t hindi ito nakapasok sa top 16.

“Kung lalahok ka sa anumang beaucon, tiyakin mong wala kang tato ng malunggay sa singit. mamalasin ka. pramis.” sabi ni Sonza.

Nasa 8 ang tattoo ni Cortesi sa iba’t ibang parte ng katawan niya na ilan ay disenyo ng halaman, kanyang kaarawan at initials ng kanyang namayapang ama.

Mayroon din itong tattoo na disenyo ng kanyang french bulldog na alaga.

Ilang netizens naman ang ibinahagi ang kanilang opinyon sa naging pagkatalo ni Cortesi.

“Sana kapag may panlaban sa beauty contest..marunong namn sana mag tagalog… at makakausap sa lengguwahe natin…” wika ni Donna Dano.

“Yan din ang naisip ko sir,” sabi naman ni Yves Sanchez.

Matatandaan na pinuna rin ni Sonza ang naging national costume entry ni Cortesi kung saan ay nagsoot ito ng damit ni Darna.

“Parang hindi yata ako na-inform na ‘national costume’ na ang salawal, salong-dibdib at korona ni Darna. Pilipinas, Mabuhay!” sabi ni Sonza.

Facebook Comments