Mister na security guard, 300 beses na sinasaksak ang kanyang misis na balikbayan dahil sa selos

Hindi na nakalabas ng buhay sa kanyang tinutuluyang hotel ang isang balikbayang Overseas Filipino Worker (OFWs) mula sa Saudi Arabia matapos siyang pagsasaksakin ng tatlong daang beses ng kanyang mister.

Himas rehas ngayon ang suspek na si Richard Acosta, 41, isang security guard matapos ang kanyang ginawa sa kanyang asawa na si Marilyn Acosta, 39.

Ayon sa suspek ay matinding selos ang naging dahilan kung bakit niya nagawang tapusin ang buhay ng kanyang kabiyak.

richard acosta marilyn acosta scaled

Sinabi nito na noon pa lamang ay naghihinala na siya sa kanyang misis na mayroon itong kinakasama sa Saudi na ibang lalaki.

Kaya naman ng sila ay tumuloy sa Golden Success Hotel sa Pangasinan ay doon niya na kinausap ang kanyang misis at sinubukan kunin ang cellphone nito.

golden success 1

Ngunit ayon sa kwento ay tumanggi ang misis na ipakita ang kanyang cellphone sa kanyang mister na nag-umpisa sa isang matinding pagtatalo.

Umabot diumano sa sukdulan ang pangyayari ng magka-pisikalan na silang mag-asawa at nag resulta sa pagdilim ng paningin ni Acosta.

Tumanggi naman na magbigay pa ng iba pang detalye si Acosta, ngunit sinabi nito na mayroon siyang ebidensya na magpapatunay na may itinatagong lihim ang kanyang misis.

Depensa naman ng pamilya ng biktima ay hindi maaring magkaroon ng kinakasama ang kanilang kaanak sa Saudi lalo na’t mabigat ang parusa ng pakikiapid sa nasabing bansa.

Kasalukuyang hawak ng Mangaldan PNP ang suspek na haharap sa patong patong na reklamo.

Facebook Comments