Interior Sec. Benhur Abalos, hahayaan na ‘tahimik na makapagretiro’ ang ilang pulis na isinasangkot sa iligal na aktibidad

Inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na hahayaan lamang nila na makapagretiro ng tahimik ang mga ‘third level officers’ na isinasangkot sa iligal na aktibidad.

Ayon sa kanya ay hindi na kinakailangan pang isapubliko ang mga pangalan ng mga nasabing opisyal ng pulisya kung hindi naman matibay ang ebidensya laban sa kanila.

“Let’s say, if you receive a resignation, let them retire silently,” ani Abalos.

abalos pna 1

Hindi naman diumano makakatakas sa batas ang mga nasabing opisyal at kahit na tahimik silang makapag retiro ay kailangan parin nilang harapin ang mga kaso na isasampa sa kanila.

“If you do not have that strong evidence but it was seen that they had involvement, let them retire peacefully,” wika niya pa.

Matatandaan na 904 na matataas na opisyal ng pulisya ang nagpasa na ng kanilang courtesy regsignation bilang parte ng plano ng gobyerno na linisin ang PNP.

magalong

Ang mga nagpasa naman ng resignation ay nakatakdang harpin ang five-man committee na binuo ng gobyerno para imbstigahan ang mga nasabing opisyal.

Kasama sa nasabing kumite si retired general at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Wala pang pahayag ang palasyo tungkol sa ‘out-of-the-box’ na plano ni Abalos na maaring magpataas sa kilay ng ilang netizens.

 

Facebook Comments