Dating misis at panibagong kinakasama ni mister, nagkasalubong sa isang mall sa Bacolod

Hindi naging maganda ang pagkakasalubong ng dalawang babae sa isang mall sa Bacolod City.

Sa ibinahaging post ni Kabanderang Jinn Arlos Siatita, makikita ang pagtatalo ng dalawang babae na nakasoot ng puti at itim habang inaawat naman sila ng isa pang lalaki.

Wala namang magawa ang ilang mga nakasaksi at pinanood na lamang ang tatlo.

Ang babae na nakasoot ng itim sa video ay nakilala na si Darlyn Sacare at ayon sa kanya ay hindi siya ang nag-umpisa ng away kundi ang babae na nakasoot ng puti na kasalukuyan palang kinakasama ng kanyang dating asawa.

Ayon sa kanya ay dalawang taon na silang hiwalay ng kanilang asawa kaya’t wala siyang dahilan para gawan pa ng masama ang kasalukuyang kinakasama ng kanyang dating kabiyak.

Ibinahagi rin nito na mayroon silang dalawang anak ng kanyang dating asawa.

sacare 1

Ngunit wala diumano siyang nagawa at pinagtanggol niya lamang ang kanyang sarili.

Hindi naman malaman kung paano nag-umpisa ang enkwentro sa pagitan ng dalawa.

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang babaeng nakasoot ng puti sa nasabing video.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ay umabot na diumano sa 1,211,262 ang mga Pilipino na nag desisyon na makipaghiwalay na sa kanilang kinakasama. Mas mataas ito sa 893,167 noong 2010.

 

Facebook Comments