Kilalang fast food restaurant, ipinasara ni Mayor Vico Sotto: “Grabe yung kapal ng sebo,”

Hindi pinalampas ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang sikat na fast food restaurant dahil sa hindi diumano pagsunod sa tamang pagtatapon ng kanilang waste water.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Sotto na ang nasabing restaurant ay itinatapon lamang ang kanilang waste water diretso sa creek.

Makikita rin sa mga larawan na ibinahagi ni Sotto ang sebo na dumadaloy palabas sa nasabing restaurant.

“Grabe yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala ring Environmental Permit to Operate.” ani Sotto.

Maari naman diumanong makabalik sa operasyon ang nasabing restaurant kapag nakakuha na sila ng kaukulang permit mula sa LGU.

Umani naman ng papuri sa social media ang naging aksyon ni Mayor Sotto.

“What Pasig City is doing should be a model for all LGUs to follow to protect the environment particularly to save our streams, rivers and lakes from pollution. More power to Mayor Vic Sotto!” sabi ni netizen @nreforminajr.

Hinimok din ng mga netizens ang alkalde na tignan pa ang ilang mga establisyemento at fast food restaurants sa Pasig upang malaman kung sumusunod ba sila sa patakaran.

Isang netizen din ang pinuna ang tila pagbabago ng nasabing fast food restaurant.

“I used to work in there nun student pa ko.Ang higpit ng QA nila before dahil need daw pasok sa standard ng company abroad. Now ang dugyot na most of them. Drinks nga nila lasang tubig. Rice NFA. Nakakadala na Never na ko bumalik.” sabi ni netizen @dziskristine.

Wala pang opisyal na pahayag ang nasabing fast food restaurant tungkol sa isyu.

Facebook Comments