BB. Gandanghari, lubos ang kasiyahan ng makipagkita muli sa kanyang utol na si Sen. Robin Padilla: “A night to remember”

Hindi maitago ni BB. Gandanghari ang kanyang kasiyahan matapos niyang makita muli ang kanyang kapatid na si Sen. Robin Padilla matapos ang ilan taon nilang pagkakahiwalay.

Napuno ng tawanan at kantahan ang naging pagkikita nil BB. at Senador Robin.

Kasama rin nila BB. ang kanilang ina na si Eva Carino.

“Family Time: enjoying each others’ company… What else can I say I don’t want to be emotional but I’m missing this already and I’m still in Manila… lol Thank you our Heavenly Father for this togetherness, for the memories created and the gift of laughter,” ani BB.

Kitang kita din ang kasiyahan ng senador sa muli nilang pagkikita ng kanyang kapatid.

Matatandaan na pitong taon nawala sa Pilipinas si BB upang mamuhay mag-isa sa Amerika.

Nakakuha rin ng American citizenship ang dating action star habang siya ay namamalagi doon.

Habang namamalagi si BB sa Amerika ay hindi naman nito naiwasan na maglabas ng mga maanghang na mensahe noon laban sa kanyang kapatid na ngayo’y isa ng senador.

Noong 2020 ay naglabas ng sama ng loob si BB dahil sa hindi diumano siya nakatanggap ng suporta sa kanyang pamilya.

Ayon kasi sa kanya ay hindi man lang siya kinakamusta noon ng kanyang kapatid.

“Pinababayaan ako. Inilalaglag ako sa ere. Yun ang pakiramdam ko.” ani BB.

Ngunit tila maayos na ang relasyon muli ng dalawa at isinantabi na nila ang sama ng loob sa isa’t isa.

Facebook Comments