Dating EB Dabarkads na si Gladys ‘Chuchay’ Guevarra, inili-link ngayon kay Pambansang Kolokoy

Hindi mapigilan ng mga netizens na maintriga sa ilang larawan na kumakalat sa social media kung saan ay makikita ang influencer na si Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy, kasama ang isang misteryosong babae.

Ilang netizens kasi ang nakikita ang pagkakahawig ng nasabing babae sa dating Eat Bulaga host na si Gladys ‘Chuchay’ Guevarra.

Ibinahagi sa isang video ang diumano’y pagkakahawig ni Gladys sa nasabing babae na ipinakilala niyang girlfriend sa isang vlog.

pambansang kolokoy gladys 2

Isang netizen naman ang sinubukan na patunayan na si Gladys nga ang kasalukuyang karelasyon ngayon ni Joel na matatandaang nakipaghiwalay sa kanyang dating asawa na si Marites.

Inamin naman noon ni Mondina na mayroon na siyang kinakasama at ilang netizens ay ang tingin ay si Gladys ito.

gladys 2

Matatandaan na naiulat na nag-file na noong nakaraang taon ng divorce si Gladys laban sa kanyang asawa na si Mike Navarette Guardian.

Halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa rebelasyon ni Joel.

“I love marites parin siya nakakatawa at hindi maarte,” sabi ni netizen Reniel Riego.

gladys 3

“I’m sorry but I still prefer MARITES she comes naturally Rigid hahaha lol parang boring ang future mo Sir,” wika ni Liza Alvarez.

“Ang arte namn mas gusto ko pa rin kay mam marites walang arte at masipag nakkamis makitang panoorin na magkasama sila,” komento naman ng isa pang fan ni Joel.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Gladys at Joel kung totoo nga ba ang mga ulat.

Facebook Comments