Darna ni Jane de Leon na ipinapalabas sa Indonesia, nakatakip ang dibdib

Ilang fans sa Indonesia television viewers ang nag-aalala dahil sa tila kumakalat na balita na magiging censored ang ipapalabas na bersyon ng Mars Ravelo’s Darna sa kanilang bansa.

Sa isang promotional poster kasi na inilabas ng ANTV na siyang magpapalabas ng Darna sa bansang Indonesia ay makikitang tinakpan nila ang dibdib ng aktres na si Jane de Leon.

Ilan sa mga fans sa Indonesia ang idinaan sa Twitter ang kanilang reklamo.

indonesia darna 1

“Why are you trying to blur it, let’s watch it,” sabi ni @kangenbigwin.

“It’s useless to be censored anyway, people already know that the girl is only in a bikini, Indo TV is getting weirder,” wika naman ni @lattedafraise.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing television station kung ano pa ang tatakpan nila kay Darna pag ipinalabas na ito sa kanilang bansa.

Matatandaan na isang conservative country ang Indonesia at ipinagbabawal ang mga ‘revealing’ na content sa mga ipinapalabas na programa sa kanilang telebisyon.

Matatandaan na kahit ang cartoons na ‘Doraemon’ na kilala sa Pilipinas ay nakatikim din ng censorship sa Indonesia.

doraemon 1

Mismong ang Indonesian Broadcasting Commission ang nagbigay ng babala noon sa mga television station na pairalin ang pagiging konserbatibo ng kanilang mga ipinapalabas na programa.

Maliban sa pagpapakita ng swimsuit ay ipinagbabawal din ang pagpapakita ng kissing scene sa kanilang mga programa.

Kahit ang mga beauty contest sa nasabing bansa ay hindi rin nakaligtas sa mahigpit na batas ng Indonesia.

 

Facebook Comments