Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, wants Mr. Pogi German to be declared as ‘persona non grata’

Isinusulong ngayon ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pagdedeklara bilang persona non grata sa vlogger na si Marcel Messall o mas kilala bilang si ‘Mr. Pogi German’ sa social media.

Matatandaan na si Messall na mayroong 440,000 followers sa social media ay napuno ng kontrobersiya matapos nitong gumawa ng isang content tungkol sa diumano’y isang pick up girl na kanyang nakilala sa Muntinlupa City.

Ngunit napag-alaman na hindi pala kagustuhan ng nasabing babae ang ginawa sa kanya ni Messall at itinanggi rin nito na isa siyang pick up girl.

325144740 893227425066315 3006806410671904248 n

Dahil dito ay himas rehas ngayon si Messall dahil sa patong patong na reklamo na isinampa sa kanya ng 17-anyos na biktima.

“Hindi natin tino-tolerate ang ganitong klaseng mga activity. This also serves as a warning to all other persons na engaged sa ganito; kung ganyang klaseng content din ang gagawin nila, wag na nilang pagtangkaan pa.” ani Biazon.

Hindi ikinatuwa ni Biazon ang ginawa ni Messall kaya kahit na naghihimas na ito ng rehas ay gusto niyang makasigurado na hindi na ito makakatapak pa sa Muntinlupa.

“Sa una, akala ko papakita pa niyang nagmamagandang loob siya na tinutulungan yung 18-year-old single mother na mabigyan ng kaunting panggastos,” paumpisa ni Biazon.

mr pogi german scaled

“Akala ko ang ending ay kunwari dinala niya ito sa kwarto tapos bibigyan nya ng pera tapos hahayaan na niya. Pauuwiin na niya, binigyan ng aral. Obviously hindi iyon ang nangyari. Meron pang scene na pinost sa kanyang vlog na nagtalukbong sila dun sa kumot,” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay tila pinapalabas ni Messall na maari ng makakuha ang kahit sino ng babae sa halagang P1,000 sa kanilang lugar.

 

Facebook Comments