Marcel Messall o mas kilala bilang ‘Mr. Pogi German, himas rehas dahil sa kanyang pambibiktima ng 17-anyos para sa isang prank

Himas rehas ang kilalang vlogger na si Mr. Pogi German matapos ang pagkalat ng kanyang ‘prank’ sa social media tungkol sa diumano’y isang 17-anyos na babae na kanyang tinulungan.

Matatandaan na umabot sa milyong milyong views sa social media ang nasabing video ng vlogger na nakilalang si Marcel Messall.

Ayon sa biktima na nakilalang si ‘Abby’ ay inalok siya diumano ng vlogger ng P6,000 para  maging parte ng kanyang content na ’24 hours jowa challenge’ at nangako ito na buburahin din ang video kalaunan.

324893261 5878455638903577 3362054862124476665 n

Ngunit hindi niya alam na papalabasin na siya ay pick-up girl at alam din diumano ng vlogger na siya ay 17-anyos at hindi 18.

mr pogi german 4

Nakikita rin ng mga otoridad na may nangyaring hindi maganda kay Abby kaya naman matinding kaso ang kakaharapin ng vlogger.

Naglabas naman ng pahayag ang vlogger at sinabi na wala siyang ginawang masama sa biktima.

“Doing something to an 18 years old is bawal. If I know that she was minor, I will never ever agree to her. Because I’m a mabait guy,” ayon kay Messall.

Idedeklara namang persona-non-grata sa Muntinlupa City si Messall kasunod ng hiling ng alkalde ng siyudad na si Mayor Ruffy Biazon.

324892798 496226239089769 1154804955914056811 n

Nalaman din na overstaying na pala sa bansa si Messall kaya’t malaki ang posibilidad na ma-deport na ito.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang susunod na aksyon ni Messall para matakasan ang mga matitinding kaso na isasampa sa kanya.

Pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang mga influencer, dayuhan man o Filipino na mag-ingat sa mga ginagawa nilang content sa social media at siguraduhin na wala silang nilolokong tao.

Facebook Comments