Isang guro, ibinahagi ang kanyang pa-almusal sa kanyang mga maswerteng estudyante

Tila mapapa-sana-all na lamang ang ibang estudyante dahil sa pagiging galante ng isang guro na nagtuturo sa Bag-ong Anonang Diut Elementary School sa Misamis Occidental.

Ibinahagi ng guro at vlogger na si Jeric Bocter Maribao ang kanyang pa-almusal sa kanyang mga estudyante.

Sa kanyang post ay makikita ang mga inihanda niyang kanin, corn cheese dog, beef tapa, mansanas at corn coffee para sa kanyang mga estudyante.

324298717 693594295723061 1893236390528755569 n
Larawan mula kay Jerics Channel/FB

Tila madalas naman palang makatikim ng masasarap na pagkain ang mga estudyante ni Teacher Jeric na libo libong views ang nakukuha sa social media dahil sa kanyang vlogging kasama ang kanyang mga tinuturuan.

322397173 1588186154926192 8170576532393802775 n

Noong Christmas party nga nila ay nagpa-lechon pa si Teacher Jeric para sa kanyang mga estudyante.

jeric 1

Maliban sa kanyang mga ibinabahaging pagkain ay ibinabahagi din ng guro ang kanyang pakikitungo sa kanyang mga estudyante.

Marami rin ang natutuwa sa istilo ng pagtuturo ng nasabing guro at kinokonsidera siya na isa sa mga pinakamagaling na guro sa bansa.

Umaasa naman ang mga netizens na maipagpapatuloy pa ni Teacher Jeric ang kanyang mga mabubuting gawain sa kanyang mga estudyante.

“Kung ako estudyante nito gaganahan ako araw araw pumasok. Baka pati sabado at linggo,” sabi ni netizen Maribel Briones-Masinag.

“Napaka swerte Ng mga batang ito sa inyo sir, keep up the good work and godbless u..more blessing pa Ang dumating sau para patuloy Kang makatulong sa iyong mga studyante..salute Sau sir..” komento naman ni netizen Whelyn Aguilar.

“Siguradong Busog Lusog ang mga bata, thank you cher Jeric for your passion in teaching and for keeping these kids at health pace all the time. God bless u always and all your endeavors. saludo kami sa iyo!” wika naman ng isa pang followers ni Teacher Jeric.

Facebook Comments