Isang eskwelahan, binatikos dahil ginawa daw activity sa mga estudyante ang panonood ng ‘My Teacher’ ni Toni Gonzaga

Isang eskwelahan ang kinuwestiyon ng mga netizens matapos diumano nilang gawing activity sa kanilang mga estudyante ang panonood ng pelikulang ‘My Teacher’ ni Toni Gonzaga at Joey de Leon.

Sa ilang post sa social media ay makikita ang pambabatikos ng ilang netizen sa nasabing pribadong paaralan sa Cavite matapos kumalat ang diumano’y letter of permission na ipinadala sa mga magulang ng mga estudyante.

Ayon pa sa nasabing sulat ay kailangang sagutin ng mga estudyante ang gastos at ticket.

my teacher 5
Larawan mula sa Twitter

Kahit mismong ang talent manager na si Ogie Diaz ay hindi napigilan na magbigay ng kanyang reaksyon sa nasabing sulat.

Hindi naman sigurado si Ogie kung totoo nga ba ang nasabing sulat at kung totoo man ay hindi naman daw agad husgahan ang nasabing paaralan.

“Hindi naman natin alam, baka naman talaga namang napanood ng Brentwood ang pelikula e gusto talagang irekomenda sa mga estudyante, kaya nga lang nahahaluan ng pulitika. Malay naman natin, paborito nila si Toni Gonzaga… ng school,” sabi ng talent manager.

Ilang fans naman ni Toni ang sinabi na maaring hindi totoo ang liham lalo na sa paraan ng pagkakasulat nito.

“Naniwala tlaga kyo sa sulat na to? Did you even read it? Do you really believe that it was written by somebody from the office of the pres. or even by a teacher? Ang gullible nyo naman. Tignan nyo ang sentences, ay naku! Ni letterhead nga wala. Yun paper parang gling sa basura.” a fan said.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang nasabing paaralan kung may katotohanan nga ba ang nasabing liham.

Matatandaan na naiulat na hindi kagandahan ang popularidad ng pelikula ni Toni dahil sa pambabatikos na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga kritiko.

 

Facebook Comments