Kalangitan sa Palawan, biglang lumiwanag at nakarinig ng malakas ng pagsabog dahil sa diumano’y bulalakaw

Ang tahimik na gabi sa ilang lugar sa probinsya ng Palawan ay napuno ng takot ng biglang lumiwanag ang kalangitan dahil sa diumano’y pagbagsak ng isang bulalakaw.

Sa ilang CCTV footage, makikita ang tahimik na gabi sa mga munisipalidad ng Rizal at Bataraza Palawan ng bigla na lamang lumiwanag ang kalangitan.

May ilan ding nakarinig ng malakas na pagsabog na lubos na ikinatakot ng mga residente doon.

Makikita rin sa footage ang tila pagbulusok ng liwanag pababa na isang senyales na bumagsak ang bagay na nagpaliwanag sa kalangitan.

Maliban sa bulalakaw ay marami ang nag-alala kung ang bumagsak na bagay ay posibleng rocket mula sa bansang China.

Maari rin diumano na ito’y isang U.F.O na mula sa ibang planeta.

Matatandaan na ilang debris na ng rocket na pagmamay-ari ng China ang nakita na bumagsak sa Palawan.

Naging dahilan din ang mga nasabing debris ng kaguluhan sa pagitan ng mga mangingisdang Pilipino at Chinese Coast Guard.

Hindi naman maitago ng mga residente ang takot dahil sa baka sa susunod ay ang kanilang mga kabahayan na ang bagsakan.

Ngunit may ilan din naman na idinaan na lamang sa biro ang pangyayari.

“Dumating na ang sampung libo ni [Alan Peter] Cayetano,” sabi ni Alejo Jomoc.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang gobyerno kung ano ang bumagsak na bagay sa Palawan.

 

Facebook Comments