Hidilyn Diaz, handang tapatan ang isa pang Filipino weightlifter upang malaman kung sino ang ilalaban sa Olympics

Handang tapatan ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kanyang kapwa Pilipino na si Elreen Ando sa 59-kilogram division.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune ay iisa lamang ang maaring maging representante ng Pilipinas sa 59-kilogram division sa darating na 2024 Paris Olympics at nagtatapat dito si Hidilyn at ang isa pang Filipino weightlifter na si Elreen Ando.

Kaya naman posibleng magkaroon ng kumpitensya si Hidilyn at Elreen para sa kung sino ang karapat dapat na irepresenta ang Pilipinas sa darating na Olympics.

elreen ando 2
Hidilyn kasama si Elreen

Itinuturing si Elreen na susunod sa yapak ni Hidilyn ngunit tila magiging maaga ang pagtatapat ng dalawa.

Ayon kay Hidilyn ay hindi pa sila nag-uusapa ni Elreen tungkol sa pagiging magkatapat nila sa 59-kilogram division.

“We didn’t talk about it but at the end of the day, the qualifying period is long and whoever gets a better total in the Olympic ranking gets qualified,” ani Hidilyn.

elreen ando 1

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Elreen kung ano ang pakiramdam nito na ang kanyang idolo ang maaring umagaw sa kanyang pagkakataon na makasali sa 2024 Olympics.

Maari rin naman na hindi magtapat ang dalawa kung sakali na magdesisyon na mag-iba ng timbang si Elreen.

Naniniwala naman ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas na parehong may kakayahanan si Hidilyn at Elreen ngunit iisa lamang ang maaring lumaban sa kanila sa 59-kilogram category.

“Both of them (Diaz and Ando) are qualified, both of them have chances to win, but only one can represent the country for each category,” paliwanag ni SWP president Monico Puentevella.

Facebook Comments