Toni Fowler, hindi natuwa sa post ni Donnalyn Bartolome: “Masyadong patunay para lang maka-connect sa masa”

Tila may pasaring ang vlogger na si Toni Fowler laban kay Donnalyn Bartolome.

Matatandaan na ilang araw ng binabatikos sa social media si Donnalyn dahil sa kanyang post tungkol sa diumano’y pagiging malungkot ng mga netizens dahil sa pagbabalik nila sa trabaho matapos ang pagdiriwang ng bagong taon.

Upang palamigin ang sitwasyon ay sinubukan ni Donnalyn na ibahagi ang kanyang mga istorya ng paghihirap noong hindi pa siya sumisikat sa social media katulad ng pagsakay niya sa jeep araw araw upang makapunta sa kanyang trabaho.

toni fowler 1
Larawan mula kay Toni Fowler/FB

Ngunit imbis na makakuha ng simpatya ay tila lalong nag-init ang mga netizens dahil sa alam nila na hindi naman talaga nanggaling sa mahirap na pamilya si Donnalyn.

Isa sa mga tila nagpatama kay Donnalyn ay ang kapwa influencer niya si Toni na kilala sa kanyang pagiging prangka.

“YUNG NAGLABAS KA PA NG PICTURE JUST TO JUSTIFY NA NAHIRAPAN KA TALAGA,” paumpisa ni Toni.

donnalyn jeep
Larawan mula kay Donnalyn Bartolome/FB

“Pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho. Di alam neto kung ano ang totoong PAGHIHIRAP kaya nag react mga tao.” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay tila pinipilit na lamang ni Donnalyn na maka-relate sa mga totoong mahihirap.

“IBA YUNG NAG STRUGGLE SA NAGHIRAP MASYADONG PATUNAY PARA LANG MAKA CONNECT SA MASA. Pass ako dyan boss HAHAHAHA!” sabi pa niya.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Donnalyn sa sinabi sa kanya ni Toni.

Facebook Comments