Restaurant sa Laperal White House, humingi ng paumanhin sa reklamong natanggap nila mula sa mga customer

Humingi ng paumanhin ang restaurant na itinayo sa loob ng kilalang haunted house na Laperal White House matapos ulanin ng reklamo ang unang araw ng kanilang pagbubukas sa mga customer.

Sa inilabas nilang pahayag noong Disyembre 27, 2022, sinabi ng upscale restaurant na kahit sila ay dismayado sa reklamo na kanilang natanggap.

“Our first service run was difficult. We enranged and disappointed many of our clients and potential return customers. While we received pleasant and warm comments on our food and the ambience, it was our execution and service that needed a lot of work and attention,” ayon sa restaurant.

“We have no excuse for our faults and would like to extend our sincerest apologies to all our diners who left our restaurant dissatisfied,” dagdag pa nila.

322296079 645420257329835 8278979000460311676 n

Matatandaan na ilang customer ang nagreklamo sa nasabing restaurant dahil sa mabagal diumano nilang serbisyo.

Ang ilan ay umabot pa diumano ng ilang oras para lamang mahintay ang kanilang pagkain.

“first impression last… booked days before, pre-ordered food days before, paid advance… and still food was not served or hours late, another 2hours to wait wait for the proper bill, it’s just a 2 course meal how hard is that to prepare and billed…” sabi ni netizen Rod Carolino.

joseph 1

“Food was served late and incomplete, multiple follow-ups and promises, wrong billing etc, took us almost 2 hours to get just our bill,” sabi pa ng isang customer.

Maliban sa mga reklamo ng customer ay hindi rin nakaligtas ang nasabing restaurant mula sa mga netizen na nabigla sa presyo ng kanilang pagkain.

Matatandaan na ang 5-course menu ay aabot sa 2,830 pesos kada katao at tumataginting na P14,800 naman ang kailangan ilabas ng mga customer para matikman ang kanilang 800 grams na Angus Rib-eye steak.

laperal 2

Umaasa naman ang mga nagbabalak pumunta sa nasabing restaurant na magiging maayos na ang serbisyo na matatanggap nila sa kanilang pagdating.

Facebook Comments