Netizen, ipinakita ang ipon niyang barya para sa birthday ng kanyang kapatid: “Nag-ipon si kuya para sa’yo”

Isang netizen ang pinalambot ang puso ng social media matapos kumalat ang kanyang post para sa kanyang kapatid.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Jhay Delos Reyes ang kanyang naipong barya para sa kaarawan ng kanyang kapatid.

Ayon kay Jhay ay hindi na siya makakauwi sa kanila kaya naman ang hiling niya ay may tumulong sa kanya na maipadala ang mga barya na naipon niya.

“Bhe lapit na bday mo di ako makakauwi sana may umuwi ito pambili ng cake mo nagipon si kuya para sayo,” sabi ng netizen.

Hindi naman mapigilan ng ilan na maging emosyonal matapos makita ang nasabing post.

“Having a brother who loved and support you financially is priceless. Wala lang sana ako din,” sabi ni Jeanne Muyco.

“Ang ganda ng pinagpalaki ng magulang niyo sa inyo. They really raised you well! Love your sibling more than you love yourself, sila lang meron ka kapag tinalikuran ka na ng lahat.” wika ni Angelica Abogutal.

May ilan naman ang hindi maitago ang inggit dahil sa hindi nila naranasan na mabigyan ng kapatid nila.

“Sana all my kuyang ganyan ako kc 4 utol ko dko yan naranasan ako lang babae saming lima,” wika ni Maon Alrhea.

“YUNG MAY KUYA KA PERO DIMO RAMDAM,” saad naman ni Jho Jho.

 

Facebook Comments