Dating nobyo ng babaeng hinalay diumano ni Khifer Brosse, may mensahe: “Dapat hindi ka sakin nanghihingi ng tawad”

Nagbigay ng kanyang pahayag si Michael Yu ang dating kasintahan ng diumano’y hinalay ng vlogger na si Khifer Brosse.

Matatandaan na nitong Enero 4, 2023 ay hinuli ng mga miyembro ng General Trias City PNP si Khifer na mayroong mahigit 2-M followers sa social media dahil sa kasong isinampa sa kanya ng biktima na itinago na lamang sa pangalan na ‘kulot’.

Paliwanag naman ni Khifer ay nagtataka siya kung bakit sinampahan parin siya ng reklamo kahit na alam niyang magkakaibigan sila.

khifer 2

Sinabi rin ni Khifer na humingi na ito ng tawad noon kay Michael at sa biktima ngunit itinuloy parin nila ang kaso laban sa kanya.

Hiling naman ni Khifer ay sana’y idaan na lamang nila sa areglo ang nangyari dahil gusto naman diumano ng biktima ang nangyari sa kanila.

324081580 635619988317920 651885442788093610 n e1673037518685
Larawan mula kay Khifer Brosse/FB

Ngunit sa isang pahayag, sinabi ni Michael na isa ring vlogger na hindi dapat sa kanya humingi ng tawad si Khifer kundi sa biktima.

“Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad kundi sa taong inagrabyado mo, ako tapos na ako diyan. Ayoko ng madamay ang pangalan ko diyan kaya please lang huwag na kayong mandamay pa,” ani Michael.

“Kung ano man ‘yang kasalanan mo [Khifer] pagbayaran mo ‘yan. Ginawa mo ‘yan,” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay iniisip niya na lamang na hindi niya kilala si Khifer.

Matatandaan na dating magka-sosyo sa isang negosyo si Michael at Khifer at makikita rin sa ilang video na nagkakaroon sila ng collaboration.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng biktima.

Facebook Comments