Anak ni Justice Sec. Boying Remulla, sinabing hindi niya alam na may darating na iligal na droga sa kanyang bahay

Pinawalang sala ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 197 ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Jose Remulla III sa kasong may kinalaman sa pag-aangkat ng iligal na droga.

Matatandaan na umabot sa P1.3-M ang halaga ng na-recover ng mga miyembro ng PDEA kay Remulla na tumanggap diumano ng parcel na naglalaman ng nasabing iligal na kontrabando.

Ilang araw matapos ang paghuli kay Remulla ay pinalitan din ang pinuno ng PDEA na si Wilkins Villanueva.

Ayon sa inilabas na desisyon ng korte, ilan sa mga sinabi ni Remulla kung bakit dapat siyang ipawalang sala sa kasong kinakaharap niya ay ang hindi niya alam na may darating sa kanyang parcel na ang laman pala ang iligal.

Ganito rin ang sinabi ng isa sa mga ‘witness’ sa paghuli kay Remulla.

“Nung lumabas po sya ma’am tinanong ko po sya kung sya si Juanito Remulla ang sabi niya ‘Ako po ‘yun'” sabi ng witness.

“Ang reply nya po ma’am, “wala akong inaasahang parcel, padala'” dagdag pa niya.

Tinanong din ng witness si Remulla kung kilala niya ba ang shipper ng parcel at itinanggi ng anak ng SOJ na kilala niya ito.

“Sabi niya ma’am ‘hindi ko kilala yan pero kung nakapangalan sa akin kunin ko na’,” aniya.

Dahil dito ay walang nakita ang korte na sapat na ebidensya na alam o sinadya ni Remulla na mag-angkat ng iligal na droga.

mike 1

Inulan naman ng batikos sa social media ang nasabing desisyon.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Pangulong Bongbong Marcos Jr. tungkol sa naging desisyon ng korte.

Tumanggi rin na magsalita si Remulla matapos itong mapawalang sala.

Facebook Comments