General Jess Durante itinanggi na may ginawa siyang masama sa model na si Yvonne Chua bago ito masawi: “She later retracted the post”

Itinanggi ng Bridage Commander ng 1001st Pag-asa Brigade na si General Jess Durante na siya ang nagpatapos sa buhay ng Davao City-based model at businesswoman na si Yvonne Plaza Chua.

Sa isang pahayag, sinabi ni Durante na ang kumalat na lumang post noon ng nasabing model tungkol sa kanya ay binawi rin naman diumano ng 38-anyos na modelo.

Matatandaan na sa nasabing post na kumalat nitong Disyembre ng nakaraang taon ay makikita ang ilang larawan ni Yvonne kung saan ipinapakita niya ang mga diumano’y ginawa ni Durante sa kanyang mukha.

“Jes Durante did this to me,” sabi ni Chua sa kanyang lumang post.

323048473 835406967750957 8670811074264359232 n

Ngunit ayon kay Durante ay matagal ng binawi ni Yvonne ang nasabing post sa social media at itinuturing niyang kaibigan ang modelo.

“Yvonne was a friend. My name is being dragged based on an FB post made last April 2022 wherein I allegedly hurt her. She later retracted the post and issued a statement that I did not in any way harm her,” ani Durante.

“I am deeply saddened by her demise and condole with her family and friends. I, myself, demand justice for Yvonne,” dagdag pa niya.

viber image 2020 02 21 17 08 06 640x620 1

Ngunit tila hindi pa ligtas si Durante sa imbestigasyon lalo na’t papasok na ang Philippine Army sa nasabing isyu.

“The 10ID is already conducting its own investigation. We are waiting for the results. We have advised General Durante to cooperate with any investigation on the allegations against him,” sabi ni Philippine Army Lieutenant General Romeo Brawner Jr.

Samantala ay hindi wala pang natatanggap na reklamo ang Philippine Army mula sa kampo ni Chua.

Matatandaan na nitong Disyembre 28 ay nasawi si Chua sa harap ng kanilang bahay matapos siyang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ngayon ay mayroon ng P1-M pabuya para sa mga makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga suspek.

Facebook Comments