Sikat na vlogger na si Khifer Brosse, himas rehas matapos diumanong manghalay

Himas rehas ang kilalang vlogger na si Khifer Brosse matapos itong makasuhan ng panghahalay.

Nitong Enero 4, 2023 ay hinuli ng mga miyembro ng PNP-Cavite ang vlogger na ang pangalan sa totoong buhay ay Daniel Tambulogan Butas sa bisa ng warrant na inilabas ng korte.

Lubos naman na ikinalungkot ng kasalukuyang partner ni Khifer na si Sab ang nangyari lalo na’t kasalukuyan pa siyang nagdadalang-tao.

khifer 1

“Kaya mo yan baby nandito lang ako palage mag dasal ka palage para sa ikaka buti ng lahat kaya mo yan baby mahal na mahal kita ingat sa loob sana matapos na itong lahat,” sabi ni Sab sa kanyang Facebook post.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinubukan ni Khifer na humingi ng tawad sa kanyang biktima ngunit tila itinuloy parin nila ang pagsasampa ng kaso laban sa vlogger.

Ang biktima ni Khifer ay diumano’y isang menor-de-edad na partner ng kanyang barkada.

“Gusto ko lang din manghingi ng tawad sa kulot na jowa ni Mikel sa nangyari, pinagsisihan ko na ang lahat ng nangyari sana mapatawad niyo akong dalawa naawa nako sa mag-ina ko,” ani Khifer.

“Pinagsisihan ko na talaga sana bigyan mo ako ng last chance na ipakita sa inyong dalawa na pinagsisihan ko na ang lahat. Humihingi ako ng awa para sa kapatawaran niyo sakin para nalang sana Kel kay Sab at sa anak namin. Sobrang lutang ako walang tulog walang kain dahil sa nangyari,” dagdag niya pa.

324081580 635619988317920 651885442788093610 n

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Khifer kung ano ang magiging susunod na aksyon nila.

Kung mapapatunayan na magkasala ay maaring magtagal ng maraming taon sa likod ng mga rehas si Khifer.

Nagpakita naman ng suporta ang mga fans ni Khifer sa kanya.

“Kaya nyo po yan laban lang po basta wag lang sumuko anjan lagi so god sainyo binabantayan lang kau pray lang po kaya yan.” sabi ng isang fan.

Facebook Comments