Partner ng nakulong na vlogger na si Khifer Brosse, todo suporta: “Nandito lang ako palage mag dasal ka palage,”

Nagpakita ng suporta si Sabrina Paula Velasco sa kanyang partner na si Khifer Brosse na kasalukuyang humihimas ng rehas dahil sa kasong panghahalay.

Sa kanyang post, ipinakita ni Velasco ang todo niyang pagmamahal sa kanyang partner kahit na inaakusahan ito ng paggawa ng masama sa isang menor-de-edad nilang kaibigan.

“Kaya mo yan baby nandito lang ako palage mag dasal ka palage para sa ikaka buti ng lahat kaya mo yan baby mahal na mahal kita ingat sa loob sana matapos na itong lahat,” ani Velasco.

Sa isa namang live video ay humiling si Velasco ng dasal sa kanilang mga fans para kay Brosse na hindi malaman kung makakalabas pa ba ng selda.

Kasalukuyan pa namang nagdadalang tao si Velasco.

Hindi nito mapigilan na maging emosyonal habang ipinaparating sa mga netizens ang mensahe ng kanyang partner na nakilala dahil sa kanyang personalidad at mga prank.

“Nandito kami para kay baby, andito kami para sa kanya,” sabi ni Velasco.

Ibinahagi rin nito na kasalukuyang hawak ng General Trias City PNP ang vlogger.

Nangako naman si Velasco na magbibigay siya ng update tungkol sa mga posibleng gawin nilang hakbang upang mapalaya ang vlogger.

Sa ngayon ay hinihingan pa namin ng komento ang nagsampa ng kaso laban kay Brosse ngunit wala pa itong tugon hanggang sa ngayon.

 

Facebook Comments