Proposal ng PBA player na si Scottie Thompson sa dating partner na si Pauline Fajardo, binalikan ng netizens

Pinag-usapan muli sa social media ang naging New Year’s proposal ni Barangay Ginebra player na si Scottie Thompson sa dati niyang partner na si Pauline Fajardo.

Nitong Enero 1, 2023 ay ilang netizens ang nagbigay ng kanilang komento sa balita ng ABS-CBN news tungkol sa naging proposal ni Thompson noong 2021.

Makikita na ang ilan ay nag-comment ng ‘up’ upang sariwain ang masasayang sandali ng dating magkasintahan na naging magkarelasyon ng anim na taon.

lodi 1
Larawan mula sa FB.

Kung titignan ang larawan ay makikita na tila walang mangyayaring hindi maganda sa magiging relasyon ng dalawa.

Ngunit anim na buwan lamang matapos mag-propose si Thompson kay Fajardo ay bigla na lamang ginulat ng PBA player ang buong Pilipinas ng magpakasal ito sa ibang babae.

Noong Hulyo 2021 ay lumabas ang ilang larawan ni Thompson habang pinapakasalan niya ang stewardess at influencer na si Jinky Serrano.

Scottie Thompson 1 e1624441558727
Kuha sa kasal ni Scottie Thompson at Jinky Serrano/FB

Agad naman na inulan ng batikos si Thompson dahil sa ginawa nito sa dati niyang partner.

Nagbigay naman ng pahayag noon ang basketball player at binatikos ang tila pangingialam ng mga netizens sa kanyang buhay.

“2 months na kaming hiwalay kita niyo nang deleted na mga pic bawat isa samin. Bawal bang may privacy? Gusto manahimik ng tao nangingialam kayo.

“Buhay niyo ba to? Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na. Sa mga nagtatanong at sa mga gumagawa pa mga dummy account thank you sa effort niyo alam ko ito lang gusto niyo marinig at gusto niyo trending kayo. AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT.

“Mas masarap sundin yung puso natin kung saan masaya. Alam ko ito gusto niyong marinig. Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato niyo sakin. Sa mga guamgawa ng dummy account ilabas niyo na gusto niyong ilabas. Andito buhay niyo sa social media eh kasi wala kayong buhay sa labas,” pahayag ni Scottie.

Sa isang post naman ay sinabi ni Fajardo na lubos siyang nasaktan sa ginawa sa kanya ng basketball player.

 

Facebook Comments