Vhong Navarro, ibinahagi ang kanyang New Year’s wish para sa 2023

Ibinahagi ni Vhong Navarro ang kanyang wish para sa 2023 matapos niyang malagpasan ang 2022 na maituturing na isa sa mga pinakamahirap na taon na kanyang pinagdaanan.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Vhong ang kanyang kahilingan na sana’y mas maging maganda ang trato sa kanya ng 2023 lalo na’t matindi ang kinaharap niya noong nakalipas na taon.

“Praying for a kinder 2023. Happy New Year!” sabi ng 45-anyos na aktor.

Hindi pa naman matatapos ang kanyang mga pagsubok lalo na’t nakatakdang magpatuloy ang hearing ng kaso na isinampa sa kanya ng model na si Deniece Cornejo sa darating na Pebrero.

Kasalukuyang malaya si Vhong matapos itong makapagpiyansa ng P1-M ngunit wala pang kasiguraduhan kung tuluyan nga bang makakamit ng aktor ang kalayaan.

Nakatakdang ilabas ng kampo ni Deniece ang mga ebidensya nila laban kay Vhong sa 13 hearing na gaganapin mula Pebreray 16, 2023 hanggang Abril 11, 2024.

Kung mapapatunayan na siya ay nagkasala ay maaring habambuhay ng hindi makalabas si Vhong.

Inaasahan naman na ngayong taon din magbabalik sa kanyang trabaho si Vhong bilang host ng noontime show na It’s Showtime na matagal ng inaabangan ng kanyang mga fans.

Marami rin ang humihiling na sana’y magkaroon ng bagong pelikula si Vhong dahil sa magaling din itong umarte.

 

Facebook Comments