Natakot yung aso! Magbabarkada, inilagay ang kainuman nila sa loob ng hawla ng aso

Isang lalaki ang viral ngayon sa social media matapos nitong magpalipas ng unang gabi para sa taong 2023 sa hawla ng alaga ng kanyang kainuman.

Sa larawan na ibinahagi ni King Rodriguez, makikita ang kanyang barkada na inilagay nila sa loob ng hawla ng kanilang alagang aso.

Makikita naman na walang kaalam alam ang kanilang barkada na katabi niya na pala ang alagang aso nila Rodriguez.

Ayon kay Rodriguez ay katuwaan lamang nila ang kanilang ginawa at mabait naman diumano ang kanilang aso kahit na makikitang malaki ito.

Hiling din diumano ng kanilang barkada na hindi siya pauwiin dahil sa hindi siya nagpaalam sa asawa niya.

Kaya naman nagdesisyon sila na imbis na sa loob ng bahay ay sa kulungan na lamang ng aso nila Rodriguez pinatulog ang kanilang barkada.

Hindi naman diumano sumama ang loob ng kanilang barkada at nagpasalamat pa ito sa kanila.

“Nung mga nalasing na po kami sa inuman ay mag uuwian na po sana kame kaso ayaw niya po mag pauwi kase magagalit ang kanyang asawa dahil hindi siya nag paalam na mag iinom siya,” sabi ni Rodriguez.

“Nagpasalamat pa po siya kase ligtas siya sa asawa niya kaso nalaman din pong nag inuman kase nag trending po yung photo,” dagdag pa niya.

Ilang netizens naman ang ikinatuwa ang nasabing larawan.

“Aso: Pre, baka tumahol to ah!” sabi ng isang netizen.

“Kawawa pa tuloy si doggo. Hindi makahiga ng maayos kc may nakitulog.” wika ng isa pa.

Facebook Comments