Christine Bersola-Babao muntikan ng bawian ng buhay dahil sa pagkain ng pancake

Ibinahagi ng mamamahayag na si Christine Bersola-Babao ang kanyang pag-aagaw buhay matapos siyang kumain ng pancake.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Christine ang naging resulta ng pagkain niya ng pancake na mula pa sa ibang bansa.

Ayon sa kanya ay may-allergy siya sa wheat na sangkap sa nasabing pankcake.

christine 1

“Nag-crave ako for pancakes so nagpaluto ako ng wheat pancakes using ready mix galing sa Amerika. Yun ang aking breakfast,” kwento ng mamamahayag.

“Pagtingin ko sa mirror mayroon na akong isang pantal. I knew I was having an allergy attack,” sabi pa niya.

Inakala diumano ni Christine na hindi na siya makakaligtas sa allergy niya dahil sa mula sa pagkawala ng boses ay nagsara narin ang daanan ng kanyang hangin sa ilong.

christine 2

Umabot sa punto na nararamdaman niya ng magsasara narin ang daanan ng hangin niya sa bibig kaya’t nagpasugod na siya sa ospital.

Napadasal na lamang ang mamamahayag dahil sa posibleng hindi na siya makaabot pa sa ospital.

“Sabi ko, ‘Kung mamamatay ako Lord either matanda na ako o di kaya sa isang malubhang sakit o anuman… huwag ‘yung kumain ako ng pancakes na allergic ako, wala akong kalaban-laban,” aniya.

Mabuti na lamang at nakaabot sila sa ospital at naturukan siya ng epinephrine kaya’t tumigil ang paglala ng kanyang kalagayan.

Sa ngayon ay nasa maayos ng kalagayan si Christine, ngunit mayroon siyang neck brace dahil sa noong siya ay naospital ay mayroon pa siyang mga karamdaman na nadiskubre.

Ayon sa kanya ay mayroon pala siyang cervical spondylosis kaya’t kinakailangan niya munang magsoot ng neck brace.

Facebook Comments