Taxi driver na naka-oxygen habang nagda-drive, pinalambot ang puso ng mga netizens.

Nakapukaw ng pansin ang isang istorya na ibinahagi ng isang commuter matapos siyang makasakay sa isang taxi driver na kahit sa gitna ng kanyang karamdaman ay pinili parin na magpatuloy sa trabaho.

Ipinakita ni netizen Nongying Chuaimbambrung ang kalagayan ng driver na kanyang nasakyan sa Pathum Thani, Thailand kung saan makikita na naka-oxygen ito habang nagmamaneho ng kanyang taxi.

Ayon kay Nongying ay nagtaka siya noong una kung bakit matagal dumating ang taxi na kanyang nakuha ngunit napagtanto niya na mayroon palang karamdaman ang driver nito kaya’t mabagal lamang itong magmaneho.

thai 1
Larawan mula kay Nongying Chuaimbambrung/FB

Hindi napigilan tanungin ng netizen kung bakit kailangan pang magtrabaho ng taxi driver at sinagot naman siya nito at sinabi na mag-isa lamang ito sa buhay kaya’t hindi siya maaring tumigil sa pagkayod.

Ayon sa taxi driver ay kulang ang 800 baht o 1,200 pesos na disability allowance na kanyang nakukuha para mabuhay.

thai 2
Larawan mula kay Nongying Chuaimbambrung/FB

Isa pa sa labis na ikinalungkot ni Nongying ay ng malaman niya na mayroong anak ang taxi driver ngunit pinabayaan na lamang diumano siya nito.

“Mayroon siyang isang anak na hindi naman talaga siya inalagaan. Hindi niya napigilan maiyak habang nagku-kwento. Sinubukan ko siyang pakalmahin at pagdating namin sa bahay ay nagbigay nalang ako ng malaking tip sa kanya,” sabi ng netizen.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa ibinahaging istorya ni Nongying at ang ilan ay sinabi na delikado ang ginagawa ng taxi driver.

“Nakakaawa but too risky para magdrive pa sa ganyan sitwasyon.. Baka makadamay pa sa ubang tao pag nagkataon… Salute parin sayo tay…” sabi ni netizen John Espinosa.

“Isipin nyo todo sikap si tatay para maiahon mga pangangailangan ng pamilya, makikita naman na parang ayaw ni tatay na nagiging pabigat sya sa kanyang pamilya. Big salute sayo tatay! Ekis sa badjao na puro hinge lang tapos pag dimo binigyan minumura kapa,” wika ni netizen Dan Gabriel.

 

Facebook Comments