Dating Pope Benedict XVI, pumanaw na sa monasteryo na kanyang tinitirhan sa Vatican

Pumanaw na sa edad na 95 ang dating Santo Papa na si Pope Benedict XVI ayon sa Vatican.

Sa isang pahayag, sinabi ng Vatican News na nitong Disyembre 31 ay namaalam na ang Pope Emeritus sa kanyang tirahan sa Mater Ecclesiae Monastery na pinili niyang maging tirahan simula ng siya ay magretiro noong 2013.

“With sorrow, I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 AM in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican. Further information will be provided as soon as possible. As of Monday morning, 2 January 2023, the body of the Pope Emeritus will be in Saint Peter’s Basilica so the faithful can bid farewell.” ayon sa Holy See Press Office.

vatican 1

Nitong nakaraan lamang ay humingi ng panalangin si Pope Francis para kay Pope Benedict XVI dahil sa lumalala nitong kondisyon.

Inaasahan naman na dadagsa ang mga nananampalataya sa Vatican upang ipagluksa ang pagpanaw ng dating Santo Papa.

Matatandaan na si Pope Benedict XVI ang kauna-unahang Santo Papa sa loob ng 600 na taon na nagretiro.

Ang naging dahilan niya upang magretiro ay ang kanyang kalusugan at sinabi na hindi na kaya ng kanyang katawan at isipan na pamunuan ang Simbahang Katoliko.

Pumalit naman sa kanya si Pope Francis at siya ay idineklara namang Pope Emeritus.

Simula noon ay naging limitado na lamang ang paglabas ng dating Santo Papa sa publiko at namalagi na lamang sa kanyang monasteryo upang ipagpatuloy ang pagdarasal.

Facebook Comments