Arnold Clavio, ginamit ang mukha ni Jose Rizal sa kanyang reklamo tungkol sa presyo ng sibuyas: “Kahit si Pepe ay babangon sa hukay”

Idinaan na lamang sa tula ni Arnold Clavio ang kanyang pagkadismaya sa presyo ng sibuyas sa merkado.

Matatandaan na umabot na sa 750 pesos ang presyo ng isang kilong sibuyas sa merkado sa gitna pa naman ng holiday season kung saan maraming Pilipino ang nagluluto.

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Clavio ang isang edited na larawan ni Jose Rizal at sinabi niya na kahit ang bayani ay babangon sa hukay dahil sa mahal ng sibuyas.

Sa kanyang tula ay tinanong niya rin kung sinadya ba ang pagkaunti ng suplay ng sibuyas na naging dahilan upang magmahal ito.

Binanggit niya rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kalihim pa naman ng Department of Agriculture (DA).

“Kahit si Pepe ay babangon sa hukay ,
Di matanggap ang presyo ng gulay ,
Kapabayaan ba o kahinaan na matatawag
Bakit hinayaang lumala ng ganap ?
Artipisyal ba o may totoong problema ?
Bakit umaangal mga magsasaka ?
Importasyon nga lang ba ang tanging solusyon ?
Naunahan na ng mga smuggler ang pagbaha ng produkyon …
Paano mapatatag , maibaba ang presyo ng sibuyas ?
Law of supply and demand , tila hindi magkaangkas …
Di ba nakakahiya para kay Pangulong Bongbong…
Siya pa naman ang kalihim , problema’y nagkapatung-patong …
Hindi ko maisip ang luhang dulot ng sibuyas …
Ay magkatotoo , kundi ba naman malas!
Masakit na sa bulsa , kahit di pa hinihiwa
Hangang kailan ba magtitiis ang ating sikmura.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Sa ngayon ay patuloy naman ang pag-aksyon ng gobyerno para makontrol ang presyo ng sibuyas.

Nitong Disyembre 30 ay pinatupad ng DA ang suggested retail price ng pulang sibuyas sa merkado sa halagang P250.

“May SRP tayo na sinet, pero ‘yung enforcement, how can you enforce kung manipis ang suplay? We have the supply, pero hindi ganoon karami na we can flood the market just to bring down the prices,” ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez.

Facebook Comments