Yvonne Plaza Chua, ipinakita ang ginawa sa kanya ng isa diumanong AFP general ilang araw bago siya masawi

Tila nagkakaroon na ng mga bagong impormasyon tungkol sa pagpanaw ng modelo at negosyante na si Yvonne Plaza Chua na matatandaang nasawi nitong Disyembre 28.

Matatandaan na matapos bumaba sa kanyang sasakyan si Chua upang pumasok sa kanyang bahay sa  St. Green Meadow Subdivision sa Davao City ay sinalubong siya ng dalawang nakamotorsiklong suspek.

Hindi nakaligtas si Chua sa nangyari.

Sa isang Facebook post ilang araw bago siya pumanaw ay ibinahagi niya ang mga larawan na kuha ng mga galos na diumano’y nakuha niya matapos siyang saktan ng isang ‘Jes Durante’.

“Jess Durante did this to me.” sabi ni Chua sa kanyang post.

323048473 835406967750957 8670811074264359232 n

Isang page naman ang sinasabi na ang sinasabi ni Chua ay ang heneral ng Armed Forces of the Philippines AFP na si Bridage Commander General Jess Durante.

Si Durante diumano ang 1001st brigade sa Davao.

Humingi ng tulong kay Vice President Sara Duterte ang internet celebrity na si Christian Albert Gaza upang sana’y mailigtas si Chua kay Durante.

Matatandaan na naging pinuno rin ng Presidential Security Group si Durante sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago nito ay naging close-in security rin siya ng dating pangulo.

Parte ng hilippine Military Academy (PMA) Tanglaw-Diwa Class 1992 si Durante.

viber image 2020 02 21 17 08 06 640x620 1

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Durante tungkol sa pagkakasangkot niya sa nangyari sa modelo at negosyante.

 

Facebook Comments