Model sa Davao City na si Yvonne Chua harap harapan na tinapos ang buhay ng mga sakay ng motorsiklo

Isang modelo sa Davao City ang usap-usapan ngayon sa social media matapos ang malagim na naging katapusan nito sa kamay ng dalawang suspek nitong Disyembre 28, 2022.

Nakita na nakahandusay sa harapan ng kanyang bahay sa St. Green Meadow Subdivision ang 38-anyos na si Yvonne Plaza Chua na isa ring negosyante.

Makikita sa CCTV footage na mayroong dalawang lalaki na sakay ang motorsiklo na lumapit sa kanya at harap harapan siyang ginamitan ng armas.

yvonne chua 2
Larawan mula kay Yvonne Chua/FB

Ayon sa ulat ng pulisya ay bumaba ng kanyang kotse si Chua upang pumasok sa kanilang bahay ngunit agad itong nalapitan ng mga suspek na nag-aabang na pala sa kanya.

Agad naman na nakatakas ang mga suspek na hanggang ngayon ay hindi parin nakikilala dahil sa nakasoot ito ng helmet.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang naging motibo ng mga suspek.

yvonne chua 3

Hindi naman maitago ng mga residente sa nasabing lugar na masupresa dahil sa  naniniwala sila na isa sa pinakaligtas na lugar ang Davao City.

Ngunit kahit tila ang mga pinakaligtas na lugar sa Pilipinas ay hindi makakaiwas sa mga masasamang elemento.

Wala pang pahayag ang mga otoridad kung nahanap na nga ba nila ang mga suspek at patuloy parin ang kanilang imbestigasyon tungkol sa nangyari.

Facebook Comments