Laban ng Filipino boxer na si Miel Fajardo, tumagal lamang ng limang segundo matapos mapataob ang kalabang Thai

Ilang netizens ang humanga sa ipinakitang husay ng Filipino boxer na si Miel Fajardo matapos nitong agad tapusin ang laban niya sa Thai na si Sarawut Jiamthong.

Inabot lamang ng halos limang segundo ang laban ni Fajardo para makuha ang ASEAN Boxing Federation (ABF) flyweight belt.

Makikita sa nasabing laban na nagpakawala ng dalawang pekeng jab si Fajardo sa Thai at sa ikatlong beses ay itinuloy na ng Filipino boxer ang kanyang straight na tumama sa ulo ni Jiamthong.

miel fajardo 4

Isang suntok lamang ang kinailangan ni Fajardo upang mapatumba si Jiamthong na sinubukan pang tumayo ngunit hindi na siya pinahintulutan pa ng referee.

Ayon sa opisyal na record ay umabot ng 10 segundo ang buong laban ni Fajardo bago ito tinapos ng referee.

Sa ngayon ay mayroon ng record na 10-1-2 win-loss-draw si Fajardo at 9 KOs.

Nagbiro naman ang ilang netizens na nabitin sila sa laban dahil mas matagal pa ang pagkanta ng national anthem kaysa sa naging aktwal na match ni Fajardo.

Ikinatuwa naman nila na mayroon nanamang bagong kampeon ang Pilipinas sa larangan ng boxing.

Umaasa naman sila na marami pang maipapanalong laban si Fajaro lalo na’t minadali nito ang laban niya sa isang champion.

Facebook Comments