Andrew Schimmer balak alamin kung ano ang nangyari bago pumanaw ang asawa: “Maganda yung vital signs niya at that day”

Marami paring katanungan ang aktor na si Andrew Schimmer kung ano nga ba ang naging dahilan ng pagpanaw ng kanyang asawang si Jho Rovero.

Sa panayam sa kanya ng Balita Online, ibinahagi ni Andrew na pagkatapos ilibing ng kanyang asawa ay aalamin niya kung ano ang mga nangyari sa mga huling oras nito.

Matatandaan na hindi kasama ni Andrew si Jho sa mga huling sandali ng buhay niya noong Disyembre 20, 2022 dahil sa nasa taping siya ng programang ‘Family Feud’.

andrew wife

Mabuti na lamang at pinayagan siya ng production na tumakbo papuntang St. Lukes matapos siyang sabihan na nire-revive na ang kanyang asawa.

Ngunit ayon kay Andrew ay maayos ang kalagayan ng kanyang asawa noong araw na ‘yon, kaya’t nagtataka siya kung paano ito pumanaw.

“Bago siya mamatay alas 6:00, 7:00, 8:00, 9:00 am still ok, still ok 9:00 am then after 30 minutes tumawag sila sa akin, ayun na ang nangyari. Actually nasa taping ako ng “Family Feud” kaso humingi na lang ako ng dispensa sa production family.” kwento ni Andrew.

andrew jho

“Nagdesat yung asawa ko. Bumagsak ang vital signs. Nawala yung kanyang blood pressure, bumagsak yung heart rate niya, bumagsak ang oxygen saturation niya. Sa hindi naming malamang dahilan. So yun pa yung iniimbestigahan namin yung kung ano talaga ang totally nangyari. Kasi hindi nila masabi. Napa-puzzled din kami kung ano yung nangyari.” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay walang makasagot sa kanya na mga nurses sa kung ano ang nangyari sa kanyang asawa kaya’t balak niya itong alamin at personal na pumunta sa St. Lukes sa mga susunod na araw.

christmas schimmer

Ikinuwento rin ni Andrew ang ginawa ng kanilang nutritionist na matatandaang sinisi niya kaya’t naospital muli ang asawa niya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang St. Lukes tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari talaga kay Jho.

Facebook Comments