Manghuhulang si Gloria Escoto malungkot ang nakikita kay Kris Aquino: “Kahit anong gawin niya, wala na.”

Hindi maganda ang nakikitang ‘vision’ ng manghuhula na si Gloria Escoto para kay Kris Aquino sa darating na 2023.

Sa vlog ng showbiz reporter na si Romel Chika ay makikita si Escoto habang sinusubukan hulaan ang mangyayari sa ilang sikat na personalidad sa Pilipinas kasama na si Kris na tinagurian na ‘Queen of all Media’.

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Kris upang magpagamot para sa kanyang pambihirang karamdaman na nangangailangan ng matinding gamutan.

kris 1

Ngunit ayon kay Escoto, walang kasiguraduhan kung tuluyan na nga bang bubuti ang kalagayan ni Aquino sa susunod na taon.

Ayon pa sa kanya ay malabong makauwi sa 2023 si Aquino lalo na’t matindi ang kanyang nakikitang pagdaraanan nito.

Makakadagdag pa sa problema nito ang kanyang pinagdaraanang emosyonal.

“Si Ms. Kris, hindi siya okay. Hindi lang dahil siguro maysakit siya pero dahil sa emosyonal na pinagdaraanan niya ngayon.” ani Escoto.

Nakikita rin ni Escoto sa kanyang mga baraha na magpapalipat lipat ng ospital si Aquino at gagastos ito ng maraming pera ngunit hindi parin ito magagamit.

“Kahit anong gawin niya, wala na, ‘yun na ‘yung possible na ikawala niya,” sabi ng manghuhula.

Hindi naman sinabi ni Escoto na papanaw na si Aquino sa susunod na taon at sinabi na ‘mahaba haba’ pa ang buhay nito.

Matatandaan na nitong nakaraang Pasko ay naglabas ng update sa kanyang kalusugan si Aquino kung saan ay sinabi nito na matagal tagal pa siyang mamamalagi sa Amerika.

“My Christmas wish is makabawi ako sa ginagawa nyong mabuti para sa ‘kin ngayon-my 1st cycle of immunotherapy treatment (same medicine as chemo BUT at a much lower dose given over a longer period of time) will take about 10 months… for now idadaan ko na lang po ang pasasalamat ko sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa religious & medical communities. “ ani Aquino.

Facebook Comments