Komedyante na si Ryan Rems, ipinakita ang regalo sa kanyang ‘Nuescake’ na hango kay Jonel Nuezca

Ibinahagi ng first grand winner ng Funny One segment ng It’s Showtime na si Ryan Rems ang kanyang regalo na natanggap nitong Pasko.

Sa kanyang ngayo’y burado ng Facebook post ay makikita ang regalo sa kanyang cake ng kanyang mga kasamahan sa grupong ‘The Koolpals’ na hango sa pumanaw na dating pulis na si Jonel Nuezca.

Matatandaan na si Nuezca ang dating pulis na tumapos sa buhay ng kanyang dalawang kapitbahay dahil lamang sa kaunting pagtatalo dahil sa ingay na ginagawa ng mga biktima.

jonel nuezca elisha nuezca

Tinawag ni Ryan na ‘Nuescake’ ang nasabing cake na mayroong mukha ni Nuezca na kuha noong ito ay pumanaw.

Makikita naman na edited na ang larawan dahil sa todo pa ang pagngiti ng dating pulis sa larawan.

Matatandaan na pumanaw nitong 2021 si Nuezca, ilang buwan bago ito hatulang guilty sa nangyari sa biktima niyang sina Sonya at Frank Gregorio.

Nakita na lamang itong walang buhay sa loob ng kanyang selda ng kanyang mga kasamahan.

Hindi naman malaman kung sinadya ba o talagang natural lamang ang pagpanaw ng dating pulis na sa sobrang tindi ng ginawa ay nabatikos kahit mismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon ay hindi na makita sa Facebook page ni Ryan ang nasabing larawan.

Facebook Comments