Ginang huling huli sa CCTV habang kinukulimbat ang isang bag ng pulang sibuyas

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas sa merkado ay naging target narin ng mga kawatan ang nasabing gulay.

Sa isang CCTV na ibinahagi ng Bombo Radyo Koronadal ay makikita ang isang ginang habang minamanmanan ang isang tindahan ng gulay sa Surallah, South Cotabato.

Makikita ang ginang na nakasoot ng asul na damit habang paunti unting lumalapit sa tindahan ng kanyang biktima.

Nang makita nito na umalis saglit ang bantay ng tindahan ay dali dali itong lumapit sa kanyang target na isang bag ng sibuyas.

Kitang kita naman sa CCTV ang paulit ulit nitong pagtingin sa paligid bago niya kunin ang sibuyas na nagkakahalaga ng P2,600.

Matagumpay namang nakuha ng ginang ang sibuyas kaya naman agad na humingi ng tulong sa mga otoridad ang biktima upang mahanap ang suspek.

Matatandaan na nasa P600 hanggang P750 pesos na ang halaga ng sibuyas ngayon sa merkado at inaasahan na patuloy pa itong tataas.

Ilang netizens naman ang ikinalungkot ang ginawa ng ginang.

May ilan din na nag-debate kung sibuyas ba talaga ang kinuha ng ginang o talong.

Ngunit ayon sa mismong mga saksi at sa may-ari ng pwesto ay sibuyas talaga ang kinuha ng suspek at hindi lamang malinaw ang pagkakakuha ng CCTV.

Facebook Comments