Vic Sotto, Tito Sotto at Joey de Leon, lilipat sa Net25 para sa isang programa

Ikinasupresa ng mga netizens ang naging desisyon ng mga beteranong komedyante na sina Vic Sotto, Tito Sotto at Joey de Leon na lumipat sa Net25.

Matatandaan na ilang ulat na ang nagsasabi na magkakaroon ng iba’t ibang programa ang trio na kilala bilang ‘TVJ’ sa nasabing television network na pagmamay-ari ng Iglesia ni Cristo.

Sa isang press conference ay kinumpirma ni Mr. Caesar Vallejos ng NET25 ang paglipat ng trio sa kanilang network.

tvj1

Nauna ng napanood si De Leon sa Net25 na mayroong comedy show na  ‘Oh No, It’s BO (Biro Lang’).

Samantala ay magkakaroon naman ng family comedy show sila Sotto kasama ang kanyang asawa na si Pauleen Luna at anak nila na si Tali na ‘Love, Bosleng and Tali’.

Magkakaroon naman ng public affairs show ang dating senate president na pinamagatang ‘Reality Check’.

Hindi naman kailangan mag-alala ng mga fans ng noontime show na Eat Bulaga dahil sa mananatili parin sila Tito, Vic and Joey sa TAPE, Inc.

Wala rin plano na iwan ng Eat Bulaga ang GMA Network na ilang dekada na nilang naging tahanan.

Inaasahan naman na lalo pang sisikat ang nasabing network dahil sa kilala ang TVJ sa galing nila sa pagdadala ng mga programa.

Facebook Comments