Toni Gonzaga, nangangarap maging abogado: “Parang ang sarap mag-aral ng batas.”

Ibinahagi ni Toni Gonzaga kung ano ang kanyang mga balak niya para sa susunod na taon.

Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, ilan sa mga ibinahagi ni Gonzaga ay ang kanyang balak na mag-aral muli.

Isa sa mga kagustuhan niya na pag-aralan ay ang batas dahil sa humanga siya sa mga kaibigang abogado ng kanyang asawa na si Direktor Paul Soriano.

“Parang ang sarap mag-aral ng batas. Ang galing kasi ng mga friends ni Paul na lawyers when they talk to me, may foundation ng law mga sinasabi nila. ‘No, you can’t do that because according to the law…’ Tapos ako, ah ganun pala, you can’t sue them because base on the law, ganyan-ganyan…

“Ang galing pag-alam mo talaga yun batas. Next year, that’s my dream… babalik ako sa school. Yun ang nakita ko sa sarili ko. Yan ang target ko this 2023,” kwento ni Toni.

Lalo pang nakadagdag sa inspirasyon niya ang kanyang pelikula na ‘My Teacher’ na tungkol sa isang indibidwal na bumalik sa pag-aaral kahit na mayroon na siyang edad.

“Yun ang nakita ko sa sarili ko. Yan ang target ko this 2023 – mag-aral dahil sa pelikulang ito. I want to go back to school because when we were doing this film, nag-re-research ka at nakikita mo na it’s really possible and ang daming bumabalik sa school.” aniya.

Matatandaan na hindi natapos noon ni Toni ang kanyang kurso na major to AB English sa Asian Institute for Distance Education (AIDE) dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang showbiz career.

Kasalukuyan namang naka-enroll si Toni sa University of the Philippines Open University para sa kursong bachelor’s degree in multimedia studies.

Facebook Comments