Netizen, nagreklamo dahil ibinigay diumano niya ang lahat ng sweldo niya sa pulubi na akala niya’y vlogger

Isang netizen ang nagrereklamo ngayon sa social media dahil sa diumano’y ginawa sa kanya ng isang pulubi na kanyang nakasalubong sa daan.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Yopop LD Jhenny Dampil ang kanyang ‘shout out’ para sa nasabing pulubi na nanghingi sa kanyang ng salapi.

Inakala diumano ni Dampil na isang vlogger ang pulubi kaya’t ibinigay niya ang lahat ng laman ng kanyang wallet.

“Kung sino po nakakakilala oh pamilyar kay kuya paki pm naman po ako. Lumapit po kanina saken si kuya at tinatanong kung magkano ang laman ng wallet ko . Sabi ko meron naman kasi kakawithdraw ko lang ng sahod ko. Sabi nya maari ko daw ba syang bigyan. Lumingon lingon muna ako at inabot ko sa kanya ang perang lahat ng nasa wallet ko. Sabi ko pa na mas kailngan mo yan ngaun kesa saken na ako ay may inaasahan naman sasahurin sa susunod.” kwento ni Dampil.

“Sabay sabi nya mag antay lang ako at mayroong malaking bagay na magiging kapalit.
Mahigit isang oras na ako nag aantay na may lalapit saken na may camera at sasabihing social experiment lang pero mukhang na isahan ako ng akala kong vlogger at ang akala kong magkakadoble pa ako ng sahod.” dagdag pa niya.

Matatandaan na uso kasi sa social media ang ilang vlogger na nagpapanggap na pulubi upang makahanap ng mabuting loob na bibigyan naman nila ng gantimpala kung sakaling tumulong sila.

Isa na dito ang content creator na si Ivana Alawi na nagpanggap na isang pulubi upang makahanap ng tutulong sa kanya.

Hindi naman malaman kung totoo nga ba o hindi ang kwento ni Dampil lalo na’t tinawag niya ang sarili niya na ‘comedian’ sa kanyang social media page.

Facebook Comments